^

Pang Movies

Rufa Mae, may luxury condo na binebenta!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Rufa Mae, may luxury condo na binebenta!
Rufa Mae Quinto ang dati niyang condo sa Makati
STAR/File

Ibinebenta na raw ni Rufa Mae Quinto ang dati niyang condo sa Makati sa halagang P45.5 milyon. Nabili niya iyan noong panahong kalakasan ng kanyang mga pelikula. At that time kailangan din niya ng ganoon kalaking bahay at sa ganoong lugar.

Pero ngayon namang hindi na masyadong kailangan iyon at may naipundar na rin naman silang properties sa US, kaya siguro naisipan na niyang ibenta iyon dahil hindi na nga masyadong kailangan.

Isa pa mahirap ang hanapbuhay ngayon sa show business. Bihira na kasi ang gumagawa ng pelikula dahil halos hindi na kumikita ang mga sinehan sa ganyan.

Pero kay Rufa Mae ba talaga ang condo unit na ito?

Nikko, ‘di napanindigan ang pakikisawsaw?!

Sinabi ni Nikko Natividad na ang sinabi lang naman daw niya ay ayaw niya na may taong napapahiya sa TV dahil alam niya ang ganoong feeling.

Sinabi rin niyang ang pag-aalis ng kanyang post sa social media kung saan pasaring diumano kay Vice Ganda ay hindi dahil hindi niya kayang panindigan ang sinabi niya kundi desisyon lang ng management na alisin iyon, na ginawa naman niya.

Bagama’t si Nikko ay wala na nga sa ABS-CBN simula noong ma-disband ang Hashtag bago pa man nawalan ng prangkisa ang network hindi maikakaila na artista pa rin siya ng network, na siyang producer din naman ng It’s Showtime.

Hindi lang naman si Nikko ang bumatikos sa kanilang handling ng controversy sa kanilang show. Maski na ang artistang si Nico Locco na “ex’ ni Christine Bermas ay nagsabing “ang ganoong paraan ng pagpapatawa kung saan nalalagay sa alanganin ang isang tao ay cheapest form of entertainment.”

So far tahimik ang MTRCB ngayon tungkol sa nasabing issue, siguro ay wala pa namang complai­nant at umiiwas din sila dahil baka sabihin na naman na pinag-iinitan nila ang Showtime dahil kalaban ng Eat Bulaga.

Xian, sineseryoso ang ‘banta’ ng fans!

Matagal nang split sina Xian Lim at Kim Chiu. Inamin rin naman ni Xian na matagal na iyon pero sa halip na aminin nga ang totoo, sinabi raw ni Kim na ipagpaliban muna ang kanilang pagbibigay ng statement dahil baka makaapekto yon sa ilang projects na sisimulan pa lang niya. Kaya nga hindi na muna kumibo si Xian.

Hanggang si Kim ang unang umamin na split na sila.

Lumipas pa ng ilang panahon at inamin na rin ni Xian na syota niya na ang producer na si Iris Lee, pero sinabi niyang walang third party dahil nang maging syota niya si Iris ay break na sila ni Kim.

Umiiwas na nga si Xian na mapag-usapan ang tungkol sa naging split nila ni Kim, at maging si Kim naman ay nagsasabing sana matapos nang lahat ng usapan.

Pero may bagong issue na naman, pinagbabantaan daw ang buhay ni Xian simula noong makipag-split siya kay Kim.

Hindi na rin bago iyan sa aming pandinig kung natatandaan ninyo, nang makipag-split si Gerald Anderson kay Kim noon galit na galit ang fans at may nagbanta ring bubuhusan ng asido si Bea Alonzo.

Kaya siguradong ganoon din ang sinasabing pagbabanta sa buhay ni Xian, na parang hindi naman seryoso, parang expression lang ‘pag naiinis.

Kaya ‘wag seryosohin ni Xian.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with