Komedyana, nanghabol ng staff sa taping
Pinaglaruan ng isang seksing komedyana ang isang lalaki na staff ng production nang pumasok ito sa tent niya para tawagin ang cast na kasama niya sa holding area.
Kasalukuyang nagbibihis si komedyana nang pumasok si male staff. Nagulat ang komedyana sa pagpasok ng staff. “Bakit hindi ka kumatok?” pataray na sabi niya sa staff.
Humingi ng sorry ang staff sa komedyana. Pero umiral ang pagiging bully ni komedyana at ipinagduduldulan ang kanyang dibdib sa male staff at tinanong, “Gusto mo ‘to?”
Natakot si male staff at nang palabas ng pinto, hinarang siya ng komedyana at naghabulan sila sa loob ng tent na kinagulat ng tao sa labas! Hanggang sa hinayaan na lang ng komedyana na makaalis ang staff habang tawa siya nang tawa, huh!
Heart, tututok sa women empowerment
Rubbing elbows na si Heart Evangelista sa Senate spouses na present sa kanyang oath-taking bilang pinuno ng Senate Spouses Foundation nitong nakaraang araw.
Eh walang choice si Heart dahil wife siya ng Senate President Sen. Chiz Escudero kaya kailangan niyang gawin ang tungkulin.
Mabuti na lang, may showbiz wife rin sa Senado gaya nina Lani Mercado at Mariel Padilla.
Women empowerment at youth ang gustong focus ni Heart sa bagong responsibilidad!
- Latest