^

Pang Movies

Nagluksa sa pagkamatay ng mommy ni Atong

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lola na si Gretchen Barretto.

Inilabas na ni Dominic Hearn ang first baby nila ng mister na negosyante.

Pero a week na pala sila since manganak. “A week of bliss

“Five two-hour lipid IV drips and two-hundred and forty-two Heparin injections, but I’ve enjoyed every minute of my pregnancy. Michael and I are delighted to welcome our little wiggler from inside my womb.

“Thank you, Lord,” post ng only daughter nina Gretchen and Tony Cojuangco.

Sakto namang naka-chika namin si RS Francisco kahapon ng tanghali kaya kinumusta namin sa kanya si Gretchen. BFF ni RS si La Greta.

Nandito siya sa Philippines now? “Yeah, in fact, nung pagkauwi ko from Thailand, pinadalhan ko siya nung parati niyang binibilin sa akin, ‘yung mga sinisinghot, pinapahid pinadalhan ko siya ng mga ganun. But I haven’t seen her for more than three months. And I super miss her, kasi sa showbiz ito totoo ito ha, sa showbiz siya ‘yung pinaka-best friend ko sa lahat ng mga artista.” 

Gaano na katagal, ‘yung friendship ninyo ni Gretchen?

“Since 2009? 2008? Unang commercial niya ‘yung Pantene. When I met Gretchen, akala ko mag-aaway kami kasi naririnig ko mataray, naririnig ko maldita, naririnig ko diva, so parang ako, that time nasa advertising ako, huwag niya akong paandaran ah. May mga ganun akong ano... So nung shooting ko na bawal daw magsuot ng may kulay kailangan black lang kasi kapag nasa shooting daw si Gretchen nadi-distract daw sa mga makukulay. So lahat naka black, ako naka Paul Smith. Makulay ‘yung Paul Smith so sabi ng producer, magpalit ka na. Okay, na ako. Baka mag-away kayo ni Gretchen. Hindi, ako bahala,” pag-aalala ng actor or businessman.

 So si Gretchen parang sa’yo lang tiklop?

“Hindi naman tiklop. Kumbaga ako lang nakakuha ng kiliti niya because when she entered the room, lahat takot tapos pagpasok niya, I was getting breakfast. Ang dami kong food. Pagpasok niya ‘di ba normally, hello po. Ako parang, hi girl, let’s have breakfast. Gumanon kaagad ako. 

“Tapos biglang humirit siya. Hindi siya nag-smile. Nakatingin lang siya sakin sabi niya, beautiful people don’t eat, tapos nakasimangot. So nagsimangot din ako. Sabi ko sa kanya, who told you I’m going to eat. I’m just going to smell this, tapos binalik ko. Tumawa. 

 “So pagtawa niya, crazy crazy. Sabi ko, no, I’m not going to eat. Crazy, crazy, no, no. I’ll eat then. Yumakap. Pagyakap niya sakin, you’re RS? Sabi Ko, yeah, and you are? Tumawa na naman. So sabi niya, gaga! Sabi ko, sino ka ba? Tawa nang tawa. Kain na tayo. Tapos nagkasundo na kami, kasi we talked about mga kaartehan na. 

“Pagpasok ng producer sabi ng producer, close pala kayo? Tapos sabi ni Gretchen, yeah, of course, RS kilala ko. Pero hindi niya ako kilala ha. Yeah, kilala ko si RS. Tapos ang usapan kasi bawal lumapit sa kanya kailangan kay Bettina (manager) ka magsasabi para ready ninyo na si Gretchen. 

 Nagugulat sila na, girl tara na magsuot ka na ng ano mo, ganito. Nagugulat ‘yung producer parang, si RS may access kay Gretchen, tapos si Gretchen palaging nakayakap sa akin nung shoot. Tawa lang kami ng tawa nung shoot.” 

 Hanggang naalala kahapon ni RS na a month ago ay nagkita sila ni Lola Greta. “Ito. Hindi, I was with her pala, sorry. I was with her pala last month, nung namatay ‘yung mommy ni Atong Ang, pero mabilis lang kaya hindi ko ‘yun na-count.”

Hanggang napag-usapan nila kung paano nag-umpisa ang kanilang friendship.

“Kwento sa akin ni Gretchen, hindi raw niya makalimutan ‘yung time na first meeting namin, shino-shoot ko siya ng Pantene, and kailangang i-close up ang shot. Unang shot ko sa kanya, para fresh pa. Tapos sobrang tight ng shot. ‘Wag kang gagalaw, Gretchen. Wag kang gagalaw. Sabi ko.’ Iyon ‘yung time na nagpaturok siya ng lips. Eh may mic ako, ‘ah Gretchen, please don’t pout your lips. B-ch, don’t pout your lips! Sabi niya, because my lips are filled.’ Tawanan lahat ng tao sabi, grabe kayong dalawa. Sabi ko, kakakilala ko lang niyan pero we hit it off siya nagsabi sakin, what can I do maga pa itong lips ko? So kwinento niya ito last month.”

Anyway, hindi na rin active si RS sa showbiz ngayon. Nawala raw lahat ng interes niya sa acting.

Mas gusto niyang maging abala sa kanyang mga negosyo, particularly Rampa at Karma bars.

Ang Rampa Bar is the premier LGBTQ community destination in Quezon City.

Anyway, hindi na rin active si RS sa showbiz ngayon. Nawala raw lahat ng interes niya sa acting.

Mas gusto niyang maging abala sa kanyang mga negosyo, pasticularly Rampa at Karma bars.

Ang Rampa bar ang premier LGBTQ community destination in Quezon City. Ang Karma naman ang paboritong hangout ng mga GenZ.

Kobe at Kyline, lumantad na

May pa-preview na sina Kobe Paras and Kyline Alcantara sa kanilang relasyon.

May post na sa kanya-kanyang Instagram ang dalawa.

Na wala namang masama dahil single naman sila pareho.

Si Kobe ay matagal-tagal na ring split sa anak na si Ina Raymundo, si Erika Rae Poturnak.

Si Kyline naman ay bad split kay Mavy Legazpi.

Kaya anong masama sa relasyon nila.

Dapat talaga big deal.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with