^

Pang Movies

Angeline, sinagot ang mga ‘panganay’ ng mister!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Halos ngayon lang humuhupa ang mga kuwento tungkol sa pagpapakasal ng singer na si Angeline Quinto sa simbahan ng Quiapo na bihirang-bihirang mangyari ay may mga intriga na agad.

May nagkakalat na naman sa social media na ang naging asawa raw ni Angeline na si Nonrev Daquina ay may apat nang anak sa iba’t ibang babae bago niya pinakasalan ang singer. Kawawa naman daw si Angeline sabi ng ilang trolls dahil baka magaya rin siya sa ibang iniwan ng mister matapos maanakan. May nagsasabi namang hindi apat kundi tatlo lang ang naanakan ng kanyang asawa.

Mabilis namang sinagot iyon ng singer at sinabing “dalawa lang ang naging unang anak niya sa una.”

Kung alam naman pala ni Angeline na may anak na iyon sa iba, ibig sabihin hindi naman siya niloko nito. Inamin sa kanya ang totoo eh. At sa kabila noon ay pinili pa rin ni Angeline na magpakasal.

At least naiiba nga naman siya dahil pinakasalan siya at sa simbahan pa ng Quiapo.

At malaking gastos din iyon.

Iyon pa ang isang issue, ano raw ba ang kabuhayan ng kanyang asawa? Kaya tiyak daw si Angeline pa ng gumastos sa kasal.

Eh kung si Angeline man ang gumastos sa kasal na iyon, ano ba ang pakialam ninyo?

Pero sa pagkakaroon ng anak ng asawa ni Angeline wala nang pakialam ang kahit na sino roon basta maliwanag na alam niya kung ano ang pinasok niya.

Paolo, ‘di na lihim ang mga kapalaran ng karelasyon

Si Paolo Contis naman ay ayaw pang magsalita tungkol sa kanilang relasyon ni Yen Santos. Nagkaroon lang naman ng tanungan nang alisin ni Yen ang kanyang pagbati kay Paolo sa social media at tapos in-unfollow na niya iyon.

Tapos tatanungin na si Paolo kung may problema ba ang kanilang pagsasama? May sinabi bang nagsama sila?

Hindi na rin naman lihim ang buhay ni Paolo, nagkasama sila ni Lian Paz at naanakan niya ng dalawa ay hiniwalayan niya noong makilala niya si LJ Reyes, na naanakan niya ng isa at nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon.

Ngayon, kung may babae pang sasama at magpapabuntis din sa kanya problema na ng babae iyon dahil hindi naman lihim ang buhay ni Paolo kung ano.

Tatay ni Deniece, may reklamo

Nagsalita na si Dennis Cornejo, ang ama ni Deniece Cornejo na nahatulan ng reclusion perpetua o 40 taong pagkakabilanggo ng RTC ng Taguig dahil sa reklamong illegal detention with ransom na iniharap laban sa kanya ni Vhong Navarro.

Masama ang loob pero sinasabi nga niyang tanggap niya ang nangyari sa kanyang anak, hindi dahil naniniwala siyang iyon ay isang criminal, kundi biktima lamang ng trial by publicity.

May punto siya, maaaring nagkaroon nga ng opinion ng ibang tao dahil sa publisidad.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with