Beaver ‘di alam kung sino ang pipiliin kina Mutya at Maxine
Masayang-masaya si Beaver Magtalas sa malaking tagumpay ng red-carpet premiere night ng When Magic Hurts na ginanap last Sunday, May 12, sa Cabanatuan na kanyang hometown.
Nasaksihan mismo namin ang libu-libong crowd na dumagsa sa NE Pacific Mall, Cabanatuan kung saan ginanap ang preem night. Talagang grabe ang suporta na ipinakita ng mga taga-Nueva Ecija sa kanilang kakabayan at puno lahat ang tatlong sinehan na pinagdausan ng screening.
Panay rin ang sigawan ng tao sa dalawang leading ladies ni Beaver na sina Mutya Orquia and Maxine Trinidad. May kanya-kanyang hukbo ng fans ang Beaver-Mutya loveteam and Beaver-Maxine tandem.
Kaya naman sobrang grateful ng tatlong lead stars sa suporta ng mga tao sa kanilang pelikula. “I’m really happy na nabigyan po talaga ako ng opportunity to show it here. Of course, this is like my first big movie po, so I want to show it din po sa mga kapwa-Nueva Ecijano, and of course, to my friends and family here. Hindi na po nila kailangang lumuwas to see it,” sey ni Beaver.
Maging si Maxine ay sobrang overwhelmed sa dami ng supporters ni Beaver sa NE, at pati na rin ang buong cast as well.
“Sobrang grabe ng love nila for Beaver. And what is amazing po about Nueva Ecija, grabe ‘yung support nila, not just for Beaver but to all the cast. So, sobrang nakakataba ng puso. And ‘yun po, pag nakikita nila si Beaver, minsan, tinawag nilang Earnest kasi Earnest pala siya sa totoong buhay,” sey ni Maxine.
Sa movie kasi, nagkataon ding Earnest ang name ng character ni Beaver.
Dahil nga may kanya-kanya nang fans ang loveteam ni Beaver sa dalawang leading ladies niya ay natanong ang Star Hunt talent kung sino ba talaga ang bet niya in real life between Mutya and Maxine.
Tawa nang tawa si Beaver at aniya, ang hirap naman daw ng tanong.
“Siguro po, ngayon, work muna. Ang pipiliin po ngayon is work,” sey niyang natatawa.
Pero sobrang happy raw niya to be working with these two beautiful ladies at nag-enjoy raw silang lahat doing the film lalo pa nga’t kinunan pa ito sa breathtaking mountain and garden views of Atok, Benguet.
Showing na sa mga sinehan nationwide ang When Magic Hurts ngayong May 22 mula sa direksyon ni Gabby Ramos.
Kasama rin sa cast sina Dennis Padilla, Angelica Jones, Archie Adamos, Cassie Kim, Dennah Bautista, Julian Roxas, Blumark Roces, Aryanna Barretto with special participation of Claudine Barretto.
Claudine, walang alam sa pagtakbo ni Gretchen
Sandali naming nakatsikahan si Claudine Barretto sa premiere night ng When Magic Hurts at isa sa nilinaw ng press sa kanya ay kung totoo ang tsika na tatakbo ang ate niyang si Gretchen Barretto sa 2025 elections.
Pero ayon sa aktres ay wala pa raw siyang alam tungkol dito.
“Wala akong alam sa ganyan. Walang nasasabi sa akin. Narinig ko rin ‘yan, eh. Pero wala akong alam,” she said.
When asked kung sa tingin ba niya ay papasok ang ate niya sa politika, aniya, “sa tingin ko, hindi. I don’t think so.”
Pero kung sakali naman daw na talagang magdesisyon si La Greta na pasukin ang politika ay susuportahan naman niya siyempre.
“Of course naman, 100% always. Pwede ba namang hindi?” sey niya.
Kung siya naman ang tatanungin, aniya ay wala na raw siyang balak na tumakbo ulit. Matatandaang tumakbo ang aktres bilang konsehal ng Olongapo City last 2022 elections pero hindi siya pinalad na manalo.
Aniya, once is enough at mukhang hindi raw niya linya talaga ang politika.
Samantala, kasama ni Claudine na dumalo sa preem night ang anak niyang si Aryanna na kasama rin sa nasabing pelikula. Proud na proud ang aktres sa papuring natatanggap ng kanyang anak sa performance nito sa movie.
“Sinasabi nila na magaling daw umarte si Aryanna. Siyempre, as a mom, nakaka-proud, sobra,” sey ni Claudine.
- Latest