^

Pang Movies

Cristy Fermin, natatambakan ng kaso

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Cristy Fermin, natatambakan ng kaso
Cristy Fermin.
STAR/ File

Ay naku ang hirap magpunta sa Makati on a Friday especially if you’re from Quezon City. Pero puwede ka bang humindi sa nag-iisang star for all seasons na si Vilma Santos?

As expected late kami nang dumating at inabutan naming marami nang kuwento si Ate Vi.

Ang sarap din sanang isulat ng iba pang mga kuwento pero at saka na lang.

What we assure you is, magugulat kayo sa mara­ming kuwento niya sa pagdating ng araw.

Samantala, papunta kami sa Makati para sa dinner kasama si Ate Vi, ang naririnig naman naming ibinabalita ang isinampang demanda nina Sharon Cuneta at asawang si Kiko Pangilinan laban sa kolumnista at digital talk show host na si Cristy Fermin. Mukhang nagkakasunud-sunod na nga yata.

Nagsimula sa mga Lahbati, tapos si Bea Alonzo, at ngayon naman si Sharon Cuneta.

Tama rin naman si Cristy Fermin, hindi niya masasagot ang mga katanungan tungkol diyan hanggang hindi niya nakikita ang kabuuan ng demanda laban sa kanya.

Pero ano mang kabutihan ang ginawa mo sa nakaraan basta may nasabi kang hindi maganda iyon ang mas natatandaan nila, at iyon din ang basehan ng demanda laban sa iyo. Hindi rin naman nila sasabihin na natulungan mo rin sila noong mga nakaraang panahon.

Sa trabaho naming ito ang lahat ng nakaraan ay nakakalimutan na, ang pinagbabatayan lang ay ang kasalukuyan. Iyong mga kaibigan mo at natulungan noong araw, wala na iyon. Noong araw pa iyon.

Bihira ang kagaya ni Ate Vi o ni Sunshine Cruz na alam ang naitulong mo sa kanila at tumatanaw ng utang na loob.

Ate Vi, ‘di talaga pabor sa Eddie Garcia Bill

Kung sabihin ni Leo Martinez na dating director-general ng Film Academy of the Philippines na alyas Congressman Manhik Manaog na iyon daw Eddie Garcia bill na sa paniwala nila noong una ay magbibigay ng proteksiyon sa mga manggagawa sa pelikula at telebisyon ay “very parent” na kung isasalin ay “masyadong magulang.”

Sinasabi niyang ang panukalang batas ay pabor sa networks at producers at hindi pabor sa mga manggagawa.

Una, hindi naman sinabi roon ang limitasyon ng oras ng trabaho ng mga manggagawa mas humaba pa nga ang oras ng trabaho. Marami ring mga panukalang maganda noong una na nawala sa panukalang ipinasa ng Kongreso.

Ang totoo isa iyan sa mga dahilan kaya tumanggi si Ate Vi sa alok na pamunuan ang FAP.

Una, napakaraming kailangang gawin para mailagay sa ayos ang lahat pero wala namang pondo ang Film Academy.

Noon suportado ng gobyerno iyang FAP noong unang itayo ay itinuring nilang isang tripartite body na binubuo ng mga manggagawa ng producers at gobyerno para siyang mangalaga ng mga karapatan ng mga manggagawa sa industriya pero hindi ganoon ang nangyari eh.

Ngayon kung ang sinasabi ni Leo Martinez na batas na “very parent” o masyadong magulang ay maipapasa bilang batas aba eh kawawa naman ang mga manggagawa sa industriya.

Xian, walang sagot sapagiging ‘pahirap’ sa trabaho

Hindi mo nga siguro masasabing baguhan pero bago pa lang sa pagdidirek sa TV at sa pelikula si Xian Lim nauna kasi siyang nakilala bilang isang artista. Noon na lang namang dumalang ang kanyang projects at saka niya naisipang magdirek.

Pero nakakagulat baguhan pa lang siyang director at ilan pa lang ang projects na nagagawa niya pero sinasabi ng isang writer sa GMA 7, na kinilalang si Brylle Tabora na si Xian daw ay “super difficult to work with!! Made our lives as TV writers miserable.”

Pero napansin din naming maraming bashers nga­yon si Xian lalo na matapos niyang aminin na syota nga niya ang producer na si Iris Lee na noon pa sinasabing siyang dahilan kung bakit niya iniwan si Kim Chiu.

vuukle comment

LEO MARTINEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with