^

Pang Movies

Megan, nagsalita sa paglaki ng tIyan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Megan, nagsalita sa paglaki ng tIyan
Megan Young at Mikael Daez

“Busog lang ako” ang natatawang sabi ni Megan Young sa intrigang buntis na siya at magkakaroon na ng anak.

“Hindi naman sa nagpipigil pero talagang wala pa eh,” sabi ni Megan na napansin kasing medyo malaki ang tiyan sa isang post na naka-swimsuit siya. Matagal na rin naman silang kasal ni Mikael Daez, at balitang pareho naman silang walang problema, pero hindi pa nga lang siguro talagang tumatama sa panahon para magbuntis si Megan.

Hindi nga rin siya masyadong aktibo ngayon sa kanyang career, at hinaharap ang pamilya nila pero aktibo sa social media.

Hintayin na lang natin ang pagdating ng tamang panahon, tutal pareho pa namang mga bata ang mag-asawa, ‘di pa maiiwan ng biyahe, kumbaga.

David pangarap matulad kina Dingdong at Alden

Natawa naman kami doon sa kuwentong pangarap daw ni David Licauco na makagawa ng isang pelikula sa Star Cinema. Bakit ganoon, wala ba siyang tiwala sa GMA Films eh ang GMA naman ang nagbi-build up sa kanya?

Mahusay namang gumawa ng pelikula ang GMA.

Sila ang producer ng ngayon ay mga klasiko nang Jose Rizal at Muro Ami.

Siguro naman kayang-kayang igawa ng GMA Films ng isang mahusay na pelikula si David.

Pero hindi mo rin masisi si David eh, kumukuha na nga lang ng mga shows ang GMA sa ABS-CBN.

Iyong mga artista nila, kagaya ni Alden Richards ay gumawa ng pelikulang box-office record holder. Tapos sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, nakagawa rin ng pelikulang kumita pero sa Star Cinema din iyon?

Ruru, takot na sa galit ni Bianca

Nagpaalam pala talaga si Ruru Madrid sa syota niyang si Bianca Umali nang makipag-kissing scene kay Angeli Khang.  ano nga ba naman ang problema si Angeli Khang ang sinasabing isa sa pinaka malakas na leading lady ng Vivamax. Hindi nga ba’t tinalo pa niya ang pelikula ni Sharon Cuneta sa on line streaming.

Pero si Ruru kailangang magpaalam muna kay Bianca, mahirap na nga naman dahil hindi ba minsan ay nangyaring muntik na siyang sagasaan noon nang magalit sa kanya. Mabuti noon at wala namang nangyaring masama, nahaggingan lang daw siya. EH papaano kung sa kasunod na mainis iyon ay talagang matumbok na siya? Wala namang pilay na sumikat na action star.

Eh ang ambisyon pa naman niya ngayon ay ma­kilala na siya bilang action star after all may isang araw na tinalo niya ang Batang Quiapo ni Coco Martin, Isang araw nga lang iyon.

Gay films wala nang market sa Pilipinas

Walang katunog-tunog ang isang pelikulang ipapalabas na hindi naman gay ang tema pero walang dudang ang target ay ang gay audience. Sabay-sabay ang mga seksing male stars na pinagsama-sama sa isang pelikula maliwanag na gay audience ang target. Kasi iyong mga artista namang iyon ay sikat sa mga gay communities, hindi sa mga babae.

Pero kagaya ng nasabi na naming wala pa talagang bigat ang pink peso sa Pilipinas. Iyang pink money ay bumubuhos sa ilang mga bansa sa Europe, pero maski na sa US wala pang masyadong lakas ang pink money. Ibig sabihin noon ay hindi pa big spenders ang mga bakla sa Pilipinas kaya papaano ninyo aasahang kumita ang mga ganyang pelikula.

Iyon ngang mga gay bar na kung saan naghuhubad pa nang live ang mga lalaki hindi na rin pinapasok ng mga bading eh iyan pang pelikula lang, eh iyon mas masahol diyan ay nakikita na nila sa social media, kung saan marami na rin ang naghuhubad nang libre pa.

Kaya ang mga gay film, ginagawa pa lang talo na.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with