^

Pang Movies

Beaver, tinawanan ang love triangle kina Mutya at Maxine

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Beaver, tinawanan ang love triangle kina Mutya at Maxine

Tawa lang nang tawa ang fast-rising young actor na si Beaver Magtalas nang kulitin ng entertainment press kung sino ba talaga kina Mutya Orquia at Maxine Trinidad ang kanyang nililigawan.

Sina Mutya at Maxine ang dalawang leading ladies ni Beaver sa pelikulang When Magic Hurts at iisa rin ang kanilang management, ang Star Magic.

Parehong nali-link si Beaver sa dalawa niyang lea­ding ladies. Si Mutya ang ka-date niya sa Star Magical Prom ng ABS-CBN last month habang si Maxine naman ang prom date niya sa katatapos lang na Junior-Senior Prom nila sa kanyang school sa Nueva Ecija.

Kaya naman sa red-carpet premiere night ng When Magic Hurts na ginanap last Monday (April 15) sa SM The Block ay tinanong namin ang aktor kung may love triangle rin bang nagaganap sa kanilang tatlo sa totoong buhay.

“Wala po. Talagang friends po kaming tatlo. I can confidently say that po na talagang ‘yung bond po namin because of this movie is super pure and talagang super different po from any other friendship that other people have.

“Kasi dito po, nag-lock in kami and we got to spend a lot of time together and I feel like ‘yun po ang talagang nagpa-close sa amin sa isa’t isa and even after that nga po, we still hang out. So, hindi po nawawala ang pagiging close sa aming tatlo,” sey ng promising young actor.

Mga bata pa nga raw silang tatlo para isipin nila sa ngayon ang pakikipagligawan or pakikipagrelasyon.

Samantala, sa When Magic Hurts ay talaga namang mapupuri mo ang tatlong bida for giving their best sa pelikula. Pati ang exposure nila ay halos equal although lumutang talaga si Beaver as the only male lead.

Isa pang maipupuri sa movie ay naipakita nito ang breathtaking sceneries ng Atok, Benguet kung saan sila nag-shoot at talagang mai-in-love ka sa ganda ng lugar.

Mula sa direksyon ni Gabby Ramos, showing na mga sinehan ngayong Mayo ang When Magic Hurts. Kasama rin sa pelikula sina Dennis Padilla, Angelica Jones and many more with the special participation of Claudine Barretto.

Lovi, gustong kabugin si Angelina Jolie!

Finally ay matutupad na ang matagal nang dream ni Lovi Poe na maging action star tulad ng kanyang yumaong amang si Da King Fernando Poe, Jr. Inanunsyo na niyang may gagawin siyang isang action movie with direk Richard Somes.

“That’s something I really want to do. I’ve been in the industry for a while and I’ve never really done and action film, an action TV series. So, ito ‘yung magiging really like first ko talaga. So, I’m really looking forward to that. Dream ko talaga ‘yung gumawa ng action film,” sabi ni Lovi sa mediacon ng upcoming film niya under Regal Entertainment na Guilty Pleasure.

Nai-shoot na nga raw nila ang teaser at dito pa lang ay talagang nag-all out na siya.

“My God, teaser pa lang, pagod na pagod ako but in a good way. Kasi I love doing physical activities. So, I remember that I was exhausted but I was happy.

“But ganu’n naman talaga when you’re on set, actually. Our job looks super glamorous but it’s so exhausting,” ani Lovi.   

When asked kung kakabugin ba niya Angelina Jolie sa Holywood action film nitong Tomb Raider, natawa si Lovi.

“Oh my God, I wish, ‘di ba? But then, that’s just a dream because, I mean, come on, Angelina is Angelina,” aniya.

Ratsada ang career ngayon ni Lovi both locally and internationally.

May dalawa siyang Hollywood films na natapos na niya ang isa at dito naman sa Pinas ay dalawang pelikula rin ang gagawin niya. Ang isa nga rito ay ang Guilty Pleasure with JM de Guzma and Jameson Blake directed by Connie Macatuno.

vuukle comment

BEAVER MAGTALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with