^

Pang Movies

John Lloyd, may dalangin para sa Philippine cinema

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
John Lloyd, may dalangin para sa Philippine cinema
John Lloyd Cruz

Isa si John Lloyd Cruz sa bibigyan ng special award sa 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) awards na gaganapin ngayong Mayo.

Tatangap ang aktor ng FAMAS Golden Artist Award dahil sa pagkakapanalo niya ng Boccalino d’Oro prize or Golden Jug Award for Best Actor at the 76th Locarno Film Festival in Switzerland last August 2023.

Inanunsyo na ito ng FAMAS sa kanilang Facebook page. 

 Sa kanyang Instagram Story ay naging madamdamin ang pasasalamat ni Lloydie sa bumubuo ng FAMAS.

Aniya, “Maraming salamat po sa MGA MANUNURI AT BUMUBUO NG FAMAS para (sa) parangal na ito. Nawa’y maibalik nating lahat ang tunay na pagpapahalaga sa kapwa maging taga-industriya man na malilikha o manonood na sabik sa pagtakas o manonood na may pagnanais at pagpapahalagang hanapan ng kwentong sasalamin sa mga nakakabagabag niyang mga tanong at saloobin patungkol sa mga sistemang hindi epektibo at hindi pabor sa karamihan, mga kwentong maaring maging halimbawa at kapulutan ng aral na pwedeng maggabay sa tunay na pagbabago at pagsasabatas na totoong poprotekta sa lahat at hindi para sa iilan lang.”

Patuloy pa ng aktor, “ang cinema ay para sa lahat. Ang cinema ay para sa umaasa. Ang cinema ay para (sa) mga bigo. Ang cinema dapat ay ligtas at hindi kasangkapan para sa propaganda. Ang cinema, hindi man nito obligasyon na pirming may alay na kasagutan, ang cinema ay laging nagtatanong. Ang cinema ay makatao at para sa tao.

“Dalangin kong matupad ang mga naisin kong ito at magsilbing kakatawan sa mas makatotohanang maaring magtawid sa ating lahat at magbibigay dangal na manumbalik ang tunay na sigla at kahusayan ng pelikulang Pilipino.”

Teddy, pinalagan ang pagsasabong sa kanila sa EB

Inalmahan ng isa sa hosts ng It’s Showtime na si Teddy Corpuz ang netizens and televiewers na pinagsasabong sila ng katapat na noontime show na Eat Bulaga at pilit na pinag-aaway.

As we all know, buhay na buhay na naman ang tapatan ng dalawang noontime shows especially now na sa GMA-7 na umeere ang It’s Showtime na nagsimula last Saturday, April 6.

Of course, may kanya-kanyang fans ang dalawang shows na pinagkukumpara ang mga nasabing programa.

Kaya naman tila napikon na rin siTeddy at nagsalita na tungkol dito.

Sa kanyang X (dating Twitter) ay sinabi ng singer/host na pareho lang sila ng goal ng kabilang programa na magpasaya at hindi kailangang magsiraan.

 “Yung pinag aaway nyo kami, pero bakit di nalang tangkilikin parehas? Yes may competition… minsan talo, minsan panalo. Parehong gumagawa at nag nanais mapasaya kayo. Kung di ka masaya sa isa, eh di dun ka sa kabila at wag ka na lang manira. Focus ka sa tv mo at wag sa tv ng kalaban mo,” pahayag ni Teddy.

Marami naman ang umayon sa singer/host sa kanyang sinabi. Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Tama lahat ng sinabi mo Kuya Ted. Maaaring nasa isang kumpetisyon kayo pero lagi dapat binabalikan yung end goal… MAPASAYA ANG PILIPINO. As a solid Dabarkad, I am happy with Showtime. Mas marami, mas masaya.”

“True po pag ayaw sa isa doon nalang sa kabila ‘yun lang para happy happy lang [red heart emojis] we love you showtime family”

“Agreed, I’m a Showtime fan but I also love to watch Eat Bulaga pa rin naman kasi aminin naging part din ng childhood natin ang Eat Bulaga eh. It’s up to you nalang talaga kung anong want mong panoorin.”

“Agree. Kung ‘di niyo trip ‘yung style ng ginagawa nila, ‘wag na naman siraan at i-insist ‘yung gusto nila. May freedom of choice naman to switch channel.”

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with