^

Pang Movies

Yasmien, mas pinili ulit ang CS sa second baby!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Yasmien, mas pinili ulit ang CS sa second baby!
Yasmien Kurdi.
STAR/ File

Isinilang na ni Yasmien Kurdi ang kanilang second baby girl ng mister na si Rey Soldevilla. Sa Facebook account ng aktres noong April 29 ay nag-upload siya ng tatlong black and white photo kung saan ay makikitang nasa delivery room siya.

Sa isang larawan naman ay makikitang nakapanganak na siya at nakalagay sa kanyang dibdib ang kanyang new-born baby na natatakpan ng blanket ang katawan.

Sa caption ay ikinuwento ni Yasmien na gusto raw sana niyang maging normal delivery ang panganganak pero masyado raw itong risky at caesarean daw talaga ang best option.

“I wanted to have VBAC or Normal delivery this time on my 2nd pregnancy. After series of tests nalaman namin na manipis pa din pala ang CS scar ko even after 11 years - not a good indication.

“Di na namin itinuloy because of many high-risk possible scenarios and we opted for CS the day I labored. We also found out during the procedure that the baby had a cord coil. It actually was a good call that we opted CS because if we tried VBAC we would have ended up doing CS still,” pahayag ni Yasmien.

Ayon pa sa aktres, life-saving for her and her baby ang caesarean at nagpasalamat na safe sila ng kanyang baby na nakaraos.

“A #cesarean (C-Section) is a life saving procedure for women like me.. I chose to do whatever it took to get my baby out healthy and safe! I would like to thank my doctors, Dra. Judy Ann Uy De Luna, Dr. Placido, Dr. Marzo and to all the doctors and nurses who assisted during my #CSProcedure. Happy #InternationalCeasareanAwarenessMonth,” sey ni Yasmien.

Direk Bobot, naalala ang pagkatsugi dahil kay Tirso!

Ang daming natuwa sa pagre-reminisce ni Edgar “Bobot” Mortiz ng early days ng kanyang career kung saan ay ka-loveteam pa niya si Superstar Nora Aunor and then, eventually ay si Vilma Santos.

Never kasing nagkukuwento si Direk Bobot tungkol dito at first time niyang magsalita sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ayon sa dating singer/matinee idol na ngayon ay direktor na, sa panahon nila nagsimula ang loveteam sa local showbiz.

“Diyan ako nagsimula sa loveteam na ‘yan at nakita ko kung paano ‘yan nagsimula. Dati na naman sa showbiz may mga loveteam na pero sa tingin ko nagsimula ‘yang loveteam doon sa time namin,” aniya.

Proud niyang tsika, “ang una kong ka-loveteam ay si Ate Guy, si Nora Aunor. Kasi pareho kaming sumali sa Tawag Ng Tanghalan. So ang nauna sa akin si Ate Guy, pagkatapos ng year niya, sumali naman ako sa Tawag ng Tanghalan.

“Nandoon pa lang ako sa show, nilapitan na ako ni Tony Santos Sr. at sinabi niya sa akin, pagkatapos mo rito, ire-regular na kita. Meron siyang show na parang daily show, ‘yung Oras ng Ligaya. ‘Ilalagay na kita, ipa-partner kita kay Nora.’”

Pero hindi naman daw sila nagkaligawan at nagkagustuhan ni Ate Guy dahil mga bata pa nga raw sila noon.

“Hindi kasi, Kuya Boy, medyo bata pa ako no’n e. Nag-loveteam kami pero siyempre mga bata pa kami hindi kami… parang laro-laro lang,” kwento niya.

Hanggang sa pumasok na raw sa eksena si Tirso Cruz III at naging love triangle sila.

“Nagsimula muna kami ni Ate Guy tapos pinasok ni Tony Santos si Tirso, naging love triangle kami. Dito nagsimula, Kuya Boy, ‘yung sinasabitan kami ng sampaguita,” pagre-recall pa ng first boyfriend ni Vilma Santos.

Hanggang sa nagkagustuhan na raw in real life sina Guy & Pip.

“So, sabi nga unahan kami ni Tirso na ligawan si Ate Guy, eh ang nangyari no’n Tito Boy, nagka-in love-an sina Ate Guy at si Pip. So parang naalala ko, Tito Boy, gumawa pa kami ng pelikula, noong talagang sikat na sikat kaming tatlo kaya lang nagka-in-love-an na sila kaya sa kalagitnaan ng pelikula, tinawag na ako ng producer, tinanggal na ako,” natatawa pa niyang kwento.

“So naging Guy and Pip na sila, ako naman balik sa kanta-kanta,” dagdag pa niya.

Pagkatapos nito ay si Ate Vi na ang naka-loveteam niya at naging girlfriend noong time na ‘yun.

“May radio show kami no’n every Sunday. So, papasok na kami, nakita ko si Vilma, ume-exit. So nung nakita ko si Vilma, sabi ko, ‘Ito ang gusto kong maka-partner.’

“So ang ginawa ko non kay Tita A, sabi ko, ‘Tita A, lapitan mo, sabihin mo gusto ko siyang maka-partner.’ So, doon nagsimula,” kwento pa ni Direk Bobot.

And the rest, so they say, is history.

vuukle comment

YASMIEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with