^

Pang Movies

Angeli Khang, gusto naman magpatawa

Ruel Mendoza - Pang-masa
Angeli Khang, gusto naman magpatawa
Angeli Khang

MANILA, Philippines — Natuwa ang tinatawag na Vivamax Queen na si Angeli Khang nang maging parte siya ng Black Rider.

Patunay lang daw na hindi lang daw siya pang-sexy kundi puwede rin siya sa kahit na anong role. “I think I don’t see myself as a sexy actress, kahit man ayun ‘yung mga sinasabi nila sa akin. But as much as possible, I want to see myself and the people to see me more about my acting,” saad ni Angeli na gumaganap bilang si Nimfa, ang bagong love interest ni Elias (Ruru Madrid).

Ayon pa sa aktres ay blessing ang kahit anong proyekto na ibigay sa kanya.

“Feel ko po, marami na akong nagawang movies na deep, another genre, another craft na action naman. Sana naman next time, um, mabigyan ako ng blessings na comedy, ganun-ganun na iba naman,” sey ni Angeli na nakilala sa mga sexy Vivamax films na Selina’s Gold, Virgin Forest, Silip sa Apoy at Salawahan.

Taylor, ‘di rarampa sa met gala

Sorry mga Swifties at hindi makakarampa si Taylor Swift sa Met Gala this year.

Mas tututukan daw ni Taylor ang kanyang rehearsals at tour prep para sa The Eras Tour na magsisimula na ulit on May 9 in Paris at sunod na sa ibang cities sa Europe.

Sa May 6 ang Met Gala kaya alangan na raw sa schedule ni Taylor.

Maraming Swifties ang nanghinayang dahil gusto pa naman nilang makita si Taylor kasama ang boyfriend na si Kansas City Chiefs tight end Travis Kelce, na naglakad sa red carpet ng Met Gala this year.

Nagpasalamat naman si Taylor sa mga sumuporta sa new album niya na The Tortured Poets Department dahil nakapagtala ito ng record na 1 billion streams on Spotify in just one week.

ANGELI KHANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with