^

Pang Movies

Andres, inaasahang lalaban sa mga Koreano!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Andres, inaasahang lalaban sa mga Koreano!
Andres

Noong isang araw may isang grupo ng mga estudyanteng nag-aaral ng Broadcast Arts ang nakipagkita sa amin at nag-interview tungkol sa aming insights sa Philippine television. Ang unang tanong nila, ano raw bang TV shows ang sikat noong kabataan namin at lagi naming pinanonood?

Ang TV shows noon, usually sponsored ng household products, kaya ang drama, kung tawagin ay soap operas, dahil ang sponsor karaniwan ay mga sabong panlaba. Talagang matutulig ka sa “puputi ang damit kahit hindi ikula.”

Pero ang kasunod na tanong ay bakit daw ba ang Pinoy nababaliw ngayon sa mga seryeng Koreano? Kasi wala nang mapagbalingang Pinoy. Tumanda na ang dating matinee idols, wala namang bagong sumulpot na kikiliti sa kanilang imahinasyon.

Aywan namin kung makakatangay nga ba si Andres Muhlach na hinuhulaan nilang sisikat.

Kasi wala nang nagbi-build up ng mga bago, magastos ang build-up ng mga artista, ganoon din ang produksiyon ng mga serye samantalang nabibili lang ng networks nang mura ang mga foreign drama, maipapa-dub lang nila rito, at pareho rin ang kanilang kita wala pang sakit ng ulo. Iyon nga lang ang nawawalan ng trabaho ay ang mga artista at technical staff.

Papaano maibabalik ang balance?

Dapat bawasan ang mga Korean series na pinapayagan dito kasi nasisira ang balance ng trabaho. Pero papaano mo babawasan wala namang trade control diyan?

Kailangan ng isang malakas na advocacy para mabigyang proteksiyon ng mga artista at teknikong Pilipino sa mga palabas sa telebisyon. Pero sino ang gagawa?

Daniel, burado na kay Kathryn

Ngayon panay ang labas ng mga sundot kina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa social media, halata mong may niluluto nang tambalan ang dalawa.

May tsismis pang noon pa pala dapat nagkaroon ng kasunod ang pelikula nilang kumita nang halos isang bilyon, pero diumano pinagbawalan ni Daniel Padilla ang noon ay syota pa niyang si Kathryn na gawin iyon.

Hindi ba may mga lumabas na mga video noon na sumasama ang mukha ni Daniel kung nababanggit si Alden?

Ngayon, sinasabing hindi lang sila magtatambal sa pelikula, may tsismis pang nanliligaw na si Alden kay Kathryn at mukhang nakukuha naman niya ang loob noon.

Kung ganoon, ano pa ang maaasahan ni Daniel?

vuukle comment

ANDRES MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with