^

Pang Movies

Claudine, apektado pa rin kina Jaclyn at Rico

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Masakit na masakit pa rin para kay Claudine Barretto ang pagpanaw ng kanyang ina-inahan sa showbiz na si Jaclyn Jose.

Matatandaang pumanaw ang premyadong aktres noong nakaraan buwan dahil sa atake sa puso at isa si Claudine sa labis na nabigla’t naapektuhan dahil parang ina na ang turing niya rito simula nang magkatrabaho sila sa Mula sa Puso many years ago.

Kahapon sa kanyang Instagram page ay nag-post si Claudine ng video clips ng mga naging eksena nila ni Jaclyn at ipinahayag ang sakit na nararamdaman.

“This has been the most painful month of my life Nay (sana) nandito ka.gabayan nyo po ako,” ang caption ni Claudine.

Noong Biyernes Santo ay inalala naman ng aktres ang kamatayan ng ex-boyfriend na si Rico Yan na pumanaw 22 years ago ng parehong araw (Good Friday) at date (March 29) ngayong taon.

“March 29 My heart stopped #alwaysandforever,” ang caption ni Claudine.

Dianne at Rodjun, naka-baby no. 2 na!

Kasabay ng Easter Sunday ay may good news na ibinahagi ang aktres/host na si Dianne Medina sa kanyang Instagram followers.

She announced na six months preggy na siya sa pangalawang anak nila ni Rodjun Cruz.

Nag-post si Dianne ng family photos nila kasama ang ultrasound ng kanilang baby no. 2.

Makikita sa larawan na hinahalikan ni Rodjun at ng kanilang panganay na anak na si Joaquin ang baby bump ni Dianne.

“Easter is all about celebration of New Life. Today, as we celebrate the Resurrection of our Lord Jesus Christ, we are also celebrating this gift of NEW LIFE inside me!

“We are immensely happy to announce that I’m 6 Months pregnant!” ang announcement ni Dianne.

“We couldn’t be more thankful to our God for blessing us this baby on the way, and we thought it’s just fitting to share this with you all on Easter day. Please pray for us on this journey. Happy Easter! Thank you LORD! So happy!” sey pa ng misis ni Rodjun.

Sa comment section ay isa sa tuwang-tuwa ay ang kapatid ni Rodjun na si Rayver Cruz.

“Congratsssss!! Bigger family,” ani Rayver.

Nagpahayag din ng pagbati ang girlfriend ni Rayver na si Julie Anne San Jose at family na rin ang tawag niya sa pamilya ng BF.

“Yeeeesss love you faaammm,” sey ng aktres/singer.

Bumati rin sina Carla Abellana, Kris Bernal, Rambo Nuñez, EA Guzman, Ara Mina, Jessy Mendiola, Claudine Barretto, Alex Gonzaga, Rochelle Pangilinan, Maja Salvador, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino at marami pang iba.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with