^

Pang Movies

Marc at Kim, nagsalita sa intrigang relasyon

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Marc at Kim, nagsalita sa intrigang relasyon
Kim Rodriguez.
STAR/ File

Bago pa man lumaki ang mga tsismis tungkol kay Marc Pingris at Kim Rodriguez ay nilinaw na agad ito ng magkabilang panig kesehodang Mahal na Araw.

Matatandaang nag-viral sa social media ang magkahiwalay na post nila na nasa harap sila ng Sydney Opera House sa Sydney, Australia at hinala agad ng mga Marites na magkasama ang dalawa.

Bukod dito ay may larawan din ang dalawa na kuha sa isang gasoline station at sinasabi rin ng netizens na magkasama sila roon.

Nitong Huwebes Santo ay nilinaw na agad ito ng asawa ni Danica Sotto at itinanggi na magkasama sila ni Kim sa Australia.

“Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin ni Ms. Kim Rodriguez. Walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao,” ang simula ni Marc.

“Nakasama ko po si Ms. Kim sa isang basketball event at sa isa pang event noong naging muse siya ng team namin,” paliwanag pa ng basketbolista.

Nilinaw rin ni Marc na okay sila ng kanyang pamilya at humingi ng respeto para huwag nang madamay pa ang kanilang mga anak ni Danica.

“Salamat din sa nag pa abot ng concern. Ok kami ng pamilya ko. Wag na po tayo magpakalat ng mga balita na hindi totoo.

“Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless po,” ani Marc.

Nagsalita na rin si Kim tungkol dito sa pamamagitan naman ng kanyang ma­nager na si Ogie Diaz.

Ayon kay Ogie sa kanyang latest vlog ay tinanong niya ang kanyang alaga tungkol dito at ang sagot daw ng aktres, “nagpunta ho ako diyan (sa gasoline station), nag-stop over ako diyan kasi papunta ako ng Subic. ‘Yung kay Marc Pingris po, hindi ko po alam kung kailan ‘yun.”

Hindi rin daw sila magkasama ni Marc sa Australia at ang kasama raw niya na nagbakasyon doon ay ang kanyang dalawang kaibigan.

“Ang sabi sa akin ni Kim, ‘anong pakialam ko kung may picture si Marc Pingris doon sa Opera House? Eh ako din mayroong picture. Eh lahat naman ng nagpupunta roon ng Sydney, dapat may picture ka daw sa Opera House. Kaya may picture ako,’” tsika pa ni Ogie.

So, there.

Jennylyn, namaalam

Naging sentimental si Xian Lim habang nagpapasalamat sa lahat ng sumubaybay sa Love. Die. Repeat teleserye na pinagbidahan nila ni Jennylyn Mercado.

Sa Instagram post ni Xian ay sinabi niyang ang LDR ang first project na ibinigay sa kanya ng GMA 7 nang lumipat siya sa nasabing network. Na kahit umabot ng three years bago naisaere ay worth it naman daw ang lahat ng paghihintay.

Pinasalamatan din niya ang kanyang leading lady for being easy to work with, gayundin ang isa pa nilang co-star na si Valeen Montenegro dahil nakahanap na raw siya ng kanyang ka-wave length.

Nag-post na rin ng pamamaalam si Jen bilang Angela na karakter niya sa LDR.

vuukle comment

KIM RODRIGUEZ

MARC PINGRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with