^

Pang Movies

Kahit nag-aaply na ng residency... anak ni Jaclyn, ayaw nang pabalikin ng Amerika

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakauwi si Gwen Guck ang anak na lalaki ni Jaclyn Jose bago siya naihatid sa huling hantungan.

Si Gwen ay anak ni Jaclyn sa gitaristang si Kenneth Ilagan. Ngayon ay nag-aaral nga si Gwen sa US at nag-aapply ng residency.

Sinalubong siya sa airport ng matalik na kaibigang si Diego Cerrudo, anak ng singer ding si Bo Cerrudo, na kung saan siya titira habang naririto ngayon sa Pilipinas. Dati raw silang magka-klase  sa Ateneo at matalik na magkaibigan, hanggang sa umalis nga si Gwen patungong US.

Pero ayon sa mag-amang Cerrudo kung sila ang tatanungin, mas gusto nilang naririto na lamang si Gwen at hindi na bumalik sa US para makasama niya ulit ang mga miyembro ng kanilang banda noon kung saan siya ay isang bassist.

Ganoon pa man malamang na magbalik si Gwen sa US pagkatapos na maayos ang lahat ng may kinalaman sa kanilang pamilya para ipagpatuloy nga kanyang pag-aaral doon.

May mga nag-aalok na raw sa kanya para maging isang artista pero nasabi nga niyang mas interesado siya sa trabaho sa likod ng camera bilang isang writer o musical director ng pelikula. Noon pa man ay marami ang naniniwalang magiging mahusay siya sa musical scoring ng mga pelikula.

Break-up ng KathNiel, ayaw pa ring tantanan

Pinag-uusapan ang isang kumakalat na video sa Internet kung saan may nahulog sa wallet ni Daniel Padilla at nung pulutin ni Kathryn Bernardo ang papel, animo’y nagulat daw ang actress dahil iyon ay resibo ng isang motel .

Tinanong niya diumano si Daniel kung sino ang kasama niya sa motel kung saan siya nag-check in at hindi raw nakasagot si Daniel. Binalingan siya ni Kathryn at sinabing “I won’t marry you” sabay talikod.

Pero may mga netizen na nagsasabing iyon daw ay isang eksena sa isang pelikula o teleserye yata nilang dalawa at hindi isang totoong video. “Hindi ba ninyo napansin na iba ang mga pangalang binabanggit nila sa isa’t isa?” sabi pa ng isang observer.

Sa ngayon maraming ispekulasyon sa kanilang hiwalayan.

May balak daw si Daniel na sa US na muna manirahan kasama ang kanyang pamilya kaya ibinebenta na niya ang kanyang mga naipundar na ari-arian sa Pilipinas.

May mga tsismis pang maging ang tatay ni Daniel ay nakiusap kay Kathryn na huwag namang pabigla-bigla sa kanyang desisyon dahil maging ang buong pamilya nila ay apektado na ng split nila. 

Pero kelan kaya makaka-move on ang mga fans sa kanilang hiwalayan?

Jasmine, malabo ang kapalaran sa pelikula

May pelikula na naman pala si Jasmine Curtis Smith at kasama niya sina Diego Loyzaga at Jerome Ponce.

Pero hindi pa ba sila naniniwala na walang magkapatid na parehong sumikat sa pelikula? Maliban kung sila ay magkaibang henerasyon na kagaya halimbawa nina Gretchen Barretto at Claudine, pero ang naipit ay ang nasa gitna nilang si Marjorie.

Ano man ang sabihin ninyo habang nariyan pa at sikat si Anne Curtis hindi gaanong sisikat si Jasmine Curtis Smith.

Mark, noon pa ‘di regular sa Kapamilya

Matapos ang napakahabang panahon ni Mark Logan sa ABS-CBN kung kailan pa sinasabing posibleng makabalik na ang network dahil sa papasukin nilang collaboration sa All TV ng mga Villar at saka pa si Mark  nagpasyang umalis at lumipat sa fastest growing network ngayong TV 5.

 Kung sabagay matagal na rin naman na retired sa ABS-CBN si Mark at talent na lang siya doon kaya libre naman talaga siyang magtrabaho sa iba.

vuukle comment

JACLYN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with