^

Pang Movies

Gabby, memorable ang birthday dahil sa nangyari kay Jaclyn

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Gabby, memorable ang birthday dahil sa nangyari kay Jaclyn
Andi at Gabby

“It’s been a memorable birthday for me,” sabi ni Gabby Eigenmann.

“Every birthday, hindi siya eksaktong 12:00 a.m., pero mga 11:50 o 12:10 binabati ako ni tita Jane (Jaclyn Jose). It was a memorable birthday for me, most definitely,” kumpisal ng aktor nang makausap namin sa wake ng iconic actress na namatay noong March 2, 2024.

March 2, 1978 ang birthdate ni Gabby.

“Nakauwi pa ako sa bahay. Kasi when we found the news, Sunday pa eh, sa bahay lang naman kami (nag-celebrate).

“Simple lang naman akong mag-celebrate eh. Kumain lang kami sa bahay. Ok na binabati ako, ‘yun na ang nagpapataba ng puso ko.

“It’s what keeps me going in life, ‘yung naalala ka nila kahit alam naman natin na sa Viber may reminder na. Pero ‘yung mga close mo na tao, ‘yun ang inaabangan mo lagi. So ‘yun nga, ang isa sa mga inaabangan ko ‘yung message ni tita Jane,” kuwento pa ni Gabby.

Na hindi niya natanggap this year na inisip niya lang na baka busy ang mommy ni Andi Eigenmann.

Magkapatid sa ama sina Gabby at Andi, si Mark Gil.

“My mom was supposed to be here, nahihiya siyang pumuntang mag-isa, sabi ko punta ka na lang, ano naman sila, they remain friends. Lahat ng mga minahal ng daddy ko (Mark Gil)... kahit na nung dad passed away, dun sa wake niya, everyone was there. All the girls my dad loved before, ok sila.

“Kahit naman kaming mga anak, kahit half siblings, regardless kung sino ang mga nanay namin, we treated ourselves na... basta isa ang tatay namin,” kumpisal niya.

Kabilang sa mga babaeng nagkarelasyon ni Mark Gil sina Maricar Jacinto-Eigenmann, Irene Celebre, Bing Pimentel and Jaclyn Jose. 

“Ahh hindi na namin kailangang isipin o pagtuunan ng pansin na iba ang nanay namin.

“When Andi was growing up, kasi ‘di ba nung naghiwalay na sila ni daddy ahh away-bati, away-bati, open book naman ‘yan, ako ‘yung tumatakas kay Andi.

“Ako ‘yung humihiram kay Andi kay tita Jane. ‘Pag may family gathering ang mga Eigenmann, I would step up and represent... hiramin ko si Andi... kaya ‘yung closeness namin ni tita Jane years ago... para sa kanya ako ang tumayong...not that I’m replacing my dad; no, big brother, kuya lang eh. Pinaka-kuya.

“Isa sa pinaka-una kong suweldo nung nag-start pa lang ako sa showbiz, I took Andi shopping and bought her toys. It might be unfair to my other siblings, but hindi naman.

“Of course may sister ako, si Ira, pareho kami ng mom, definitely closed talaga, tapos si Timmy at si Max, nung bata kami, we slept sa bahay nila, nung sila pa ni tita Bing Pimentel nung sila pa ng daddy ko. Closed naman kaming lahat, pero napapansin ng iba na hands-on ako at over protective kay Andi. Kasi makikita mo si Tita Jane na single mom talaga. I’m not saying that my dad was not that supportive, but hindi sila ok ng mga panahong iyon. So I was the one shielding every negative... ano para ‘di sila mag-away ako ‘yung parang panangga nilang dalawa. ‘Yung ako na ‘yung bahala rito,” pag-alala pa ng Kapuso actor.

“And tita Jane would proudly say it out loud; she was very expressive about how much she loves me, ganundin naman ako.”

Dagdag pa niya : “Hindi ko naman ito ginagawa para magpa-impress kay tita Jane.Hindi eh, inate eh. Lahat ng mga kapatid ko, pag may problema kayo. ‘just call me.’

 Maraming nagulat na si Gabby ang mabilis na nakadiskubre sa naganap kay Jaclyn noong nakaraang Linggo na patay na ito.

“I found out through Andi. I don’t want to go into details, but when Andi called, she was crying, and the rest was history.

“I went straight to their house... Yah, that’s how things went about; that’s how everything happened. Sabi ko kay Andi she was in Siargao, sabi ko book a flight, earliest, or whatever, ‘wag mo munang isipin, I’m sure everyone was probably calling you to ask questions kung anong nangyari talaga ano ka muna… Natutuwa naman ako kasi andun si Philmar (husband ni Andi) to cope up habang ‘di pa siya bumibiyahe.

“When I was getting all the information nung nasa house ako ni tita Jane, ako mismo hindi nakakapag-update kasi I was processing also how to tell Andi everything,” kumpisal pa ni Gabby.

Buti raw andun ang wife niya nung dumating na ang mga pulis, forensic...

“Until unti-unti na-gather ang emotions ko, hanggang nakausap ko na si Andi, and then the next morning I picked her up.”

Hanggang kagabi ay wala pang may alam kung makakaabot ang isa pang anak ni Ms. Jaclyn na nag-aaral sa Amerika dahil nag-a-apply pala ito ng residency, si Gwen.

Pero may nakahanda silang plano in case na hindi raw ito makarating hanggang Sabado.

Last Thursday night ay PPL night, management ni Ms. Jaclyn ang nag-sponsor ng tribute para sa actress sa pangunguna ni Perry Lansigan.

Female personality, sagad ang selos sa kapwa actress

Selos na selos daw ngayon ang female personality sa kapwa niya actress.

Ramdam kasi nito (showbiz personality) na in love ang lover niya sa nasabing actress.

Kaya naman daw todo paganda si showbiz personality para hindi siya maagawan ng lover na ang target ay isa ring actress na kakahiwalay lang sa jowa as if gwapo ang lalaki.

vuukle comment

GABBY EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with