^

Pang Movies

Mutya, nagka-pelikula dahil sa loveteam nila ni Beaver

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Mutya, nagka-pelikula dahil sa loveteam nila ni Beaver
Mutya at Beaver

Parehong wala pang boyfriend at girlfriend ang mga pangunahing bida ng upcoming romantic movie na When Magic Hurts na sina Mutya Orquia at Beaver Magtalas kaya hindi malayong magkadebelopan ang dalawa. Katunayan, parehong bukas ang dalawang Star Magic talents sa isang loveteam na silang dalawa ang magkapareha.

Sinorpresa ni Beaver ang kanyang young leading lady na si Mutya after the presscon ng kanilang first movie together sa pamamagitan ng `promposal’ na may kinalaman sa school junior and senior’s prom maging sa annual ABS-CBN Ball na nangyayari sa buwan ng September.  Nag-yes siyempre si Mutya lalupa’t malapit na niyang kaibigan si Beaver at tila boto sa tambalan ng dalawa ang respective parents.

First movie bale ni Mutya ang When Magic Hurts na pinamahalaan ni Gabby Ramos under Rems Film Production.

Idolo ni Mutya sina Angel Locsin at Maja Salvador na parehong mahusay na aktres maging sa paggawa ng action scenes. Since mahilig siya sa iba’t ibang sports, capable umano siyang gumawa ng action scenes kung kinakailangan.

Malapit na ring mag-debut si Mutya na mangyayari on May 3 at kung magkakaroon siya ng debut party, tiyak nang si Beaver ang kanyang magiging special escort.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with