^

Pang Movies

Jolina, lutang pa sa reunion ng Rivermaya

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Jolina, lutang pa sa reunion ng Rivermaya
Jolina

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-get over ng singer, actress at host na si Jolina Magdangal ang panonood ng recent successful reunion concert ng original members ng Pinoy rock band of the ‘90s, ang Rivermaya na binubuo nina Bamboo Mañalac, Rico Blanco, Nathan Azarcon at mister ni Jolina na si Mark Escueta.

Noon ay pinapangarap lamang umano na makapanood ng concert ng Rivemaya sa isang malaking venue kasama ang kanilang dalawang anak na sina Pele at Vika at nangyari ito nung nakaraang Feb. 17, 2024 sa SMDC Festival Grounds in Parañaque na madalas na gaming venue ng mga dumadayong major foreign acts.

Bilang wife, very proud si Jolina sa kanyang husband at sa mga dating kasamahan nito na kahit matagal nang naghiwa-hiwalay ay nanatili pa rin ang pagiging close na magkakaibigan.

Karla, may pinagsisisihan?!

Hindi raw ba nagsisisi si Queen Mother na si Karla Estrada sa pag-alis nito sa kanilang morning show na Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros?

Nang umalis sa programa si Karla para pasukin ang larangan ng pulitika ay pumalit sa kanya ang misis ni Ogie Alcasid na si Regine Velasquez.

Marami ang nagsasabi na wrong move umano ang ginawa ng ina ng Kapamilya heartthrob na si Daniel Padilla dahil ang ABS-CBN ang nagbigay ng magandang break sa kanya maging sa kanyang anak na aktor.

Samantala, nananatiling Kapamilya si Daniel na kamakailan lamang muling lumagda ng panibagong contract with Star Magic ng ABS-CBN.

Diego, iwas pag-usapan ang anak

Sa recent interview ng 28-year-old Viva actor na si Diego Loyzaga sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda, ang Fast Talk with Boy Abunda on GMA, naging very honest ang actor sa kanyang mga sagot pero never nitong binanggit not even once ang pangalan ng ina ng kanyang baby na si Hailey na mag-iisang taon na this May 2024.

It was June 2023 nang unang ibahagi ng actor sa kanyang IG account ang larawan nila ng kanyang baby na kuha sa Australia (where the baby was born).

Although nalaman ng netizens na ang ina ni Hailey ay ang non-showbiz na si Alexis Suapengco, isang yoga and pre-school teacher.

Nakilala si Alexis early last month that she’s the mother of Hailey at pinaaalis umano silang mag-ina ng actor sa tahanan nito in favor of another girl na pinangalanan pa nito. Pero hindi ito sinagot ng actor at nanatili itong tahimik lamang tungkol sa nasabing issue.

Habang hindi binabanggit ni Diego ang ina ng kanyang anak, aminado naman ang actor na marami umanong nabago sa kanya magmula nang dumating ang anak.

Naging bukas din ang actor sa kanyang pinagdaanang depression at pagkaka-rehab pero lahat ng ito’y naging matinding leksyon sa kanya for him to become a better person.

vuukle comment

JOLINA MAGDANGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with