^

Pang Movies

Color games sa Pangasinan, bukas na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGYAYABANG si Evie Mendoza, ang presidente ng Perya Industry­ of the Philippines Association (PIPA) na pinabuksan na niya ang peryahan sa Pangasinan at iba pang probinsiya ng Region 1. Kaya lang, mukhang si Mendoza lang ang naniniwala sa pinagsasabi niya. Sinasabi kasi ng ibang peryante na hindi dapat mag-claim ng kredito si Mendoza dahil ang mga maliliit na peryante ang nakiusap sa PRO1 para pabuksan sila dahil sobra na silang nahihirapan. At higit sa lahat, dahil sa panahon ng tag-init marami ng lugar sa Pangasinan at PRO1 ang magsiselebra ng kapistahan at ang perya ay bahagi na ng selebrasyon na dinudumog ng mga tao. Bakit kaya nag-aagaw ng kredito si Mendoza?

“Wala pong sinumang grupo ang may dahilan kung bakit nakapagbukas po ang Region 1. Kaya wala dapat mag-claim. Ang mga operator po diyan na ang naglakad, nakiusap sa mga nasa itaas kaya sila ngayon ay nakapagbukas,” ayon kay kosang Amila. “Nag-operate na rin kami ng pasugalan kagabi lang. Kaya thank you sa mga taong may malasakit sa ating tradisyon, lalo na sa mga nakaupo,” sagot naman ni kosang Leticia sa katanungan ni Rodel Camalindog Sr. “Salamat nang marami sana makapagpahinga na rin tayo ng konti sa ating mga obligasyon na halos susuko na tayo sa sobrang hirap,” dagdag pa ni kosang Leticia.

Matatandaan na lumutang si Mendoza sa Senate hearing nitong buwan kung saan ibinulgar niya ang malawakang tong collection ng kapulisan, NBI at media. Dipugaaaaa! Ayos ba kosang Cris Ibon? Tahasang sinabi ni Mendoza kay Sen. Bato dela Rosa, ng Senate Committee on Public Order ang Dangerous Drugs, na umaabot sa P10 milyon ang kanilang payola bago makapagbukas ng kanilang negosyo. Kaya naman lumaki ang kanilang “timbre”, ani Mendoza, dahil nanganganak ang mga unit ng PNP, kasama na rito ang Task Force Maverick, na ayon kay Sen. Bato ay matagal nang patay na butas.

Matapos ang hearing, iniutos ni Senator Bato na status quo muna o ibig sabihin ay puwedeng mag-operate ang mga peryante subalit puro rides lang na naaayon sa kanilang permit mula sa LGUs. Walang sugal, ani Senator Bato. Ayon pa kay Senator Bato, hihintayin muna ang resolution mula sa Department of Justice kung ang color games ba at drop ball ay legal ba o illegal. Pagkauwi n’ya sa PRO1, iniutos ni PRO1 director Brig. Gen. Lou Evangelista na ipasara ang pahat ng peryahan sa sakop niya, dahil ayon sa kanya sa Senate hearing, wala siyang tinatanggap dito. Bukol ang inabot ni Evangelista? Subalit maliwanag sa pagyayabang ni Mendoza na bukas na naman ang peryahan sa PRO1 at inaamin naman ng mga peryante sa Pangasinan na may pasugal na sila. Magkano…este paano Gen. Evangelista Sir?

Sa huling balita ng mga kosa ko, nanatiling sarado ang iba pang peryahan sa ilang bahagi ng Luzon dahil hinihintay nila ang DOJ resolution. Bakit hindi nakapagtiis si Evangelista? Ewan ko no? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Kung gustong gawing legal ni Mendoza ang color games at drop ball, hindi dapat sa Senado ang nilapagan niya kundi sa Kamara para amyendahan ang R.A. 1602, o batas sa illegal gambling. Masalimuot pa ang isyung ito. Abangan!

PERYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with