^

Pang Movies

Si Angeli Khang ang bago?! Ivana, laglag kay Albee Benitez!

Salve V. Asis - Pang-masa
Si Angeli Khang ang bago?! Ivana, laglag kay Albee Benitez!
Angeli at Ivana

MANILA, Philippines — Kabog ang ibang matinee idol kay Mayor Albee Benitez na nali-link sa kasalukuyan sa sikat na sexy actess na si Ivana Alawi na diumano’y kasama pa nitong nagbakasyon kamakailan sa Japan.

Ayon sa isang source, marami kaming nakarinig, na hinding-hindi raw ito totoo dahil ibang sexy star daw ang kasama ni Mayor Albee sa kanyang recent trip, hindi rin sa Japan.

Dagdag ng source, wala raw konek ang nasabing negosyante at pulitiko kay Ivana.

Chika pa ng source, ang totoo, baka raw napagkamalang si Ivana ang kasama ng businessman / politician.

Dahil ayon sa source isa ring sexy star ito.

Totoo ba na si Angeli Khang?

Ang gandang lalaki ni businessman / politician ha. Kumbaga sa babae, ang haba ng hair.

Hahaha. Swerte naman ni Angeli kung totoo toh?

Kaya siyang ipag-produce ng pelikula ni Mayor Albee kahit sampu pa.

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ni Angeli in case na gusto niyang mag-react.

Maingay na ang pangalan ni Mayor Albee sa showbiz sa totoo lang dahil pag-aari niya ang Brightlight Productions pero hindi na raw ito gaanong aktibo sa nasabi niyang kumpanya.

Totoo bang magtatayo ito ng bagong entertainment production?

Baka naman movie company at ipo-produce niya kaya ng launching movie si Angeli na ipalalabas sa mga sinehan?

Pawang sa streaming platforms lang napapanood ang pelikula ng sexy star.

vuukle comment

ALBEE BENITEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with