^

Pang Movies

Daniel at Karla, may pantapat daw sa bagong bahay nila Kathryn

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Daniel at Karla, may pantapat daw sa bagong bahay nila Kathryn
Karla at Kathryn

Sa kuwento ng kaibigang director ni Karla Estrada na si director Darryl Yap, ilang buwan na ang nakaraaan nang bumili ng property sa South si Karla. Ibig sabihin, hindi pa man nabibili ang bahay nila sa may Fairview na kanilang ibinebenta for P50 million, nakabili na siya ng property.

Hindi lang malinaw kung house and lot ang nabili ni Karla o lot lang at patatayuan na lang ng bahay. Pero, parang house and lot ito, gaya sa bahay na ibinebenta nila ngayon. May binanggit na ngang gated subdivision kung saan daw lilipat sina Karla, kaya lang, unconfirmed pa, kaya hindi muna namin isinulat.

Dahil may bagong bahay na raw sila, tinawag siyang inggitera ng fans ni Kathryn Bernardo. Gaya-gaya raw kasi dahil may bago ring bahay sila Kathryn at nakalipat na yata.

Sa kanyang socmed account, hindi pa nagpaparamdam si Karla na may bago na silang bahay, gugulatin na lang siguro nito ang fans at bashers ni Daniel Padilla na nakalipat na sila. Wait natin kung anong narrative ang sasabihin ng bashers ng aktor sa pagkakaroon ng bagong bahay ng mom niya and his siblings.

ANNE, LUMEBEL SA INTERNATIONAL MODELS!

Ang bongga ni Anne Curtis, nasa cover lang naman siya ng Perfect, isang international magazine para sa Issue Six. Kasama lang naman ni Anne na featured sa magasin ang international models na sina Bella Hadid, Kate Moss, Karen Elson, at Linda Evangelista.

Ang pakilala sa kanya ng magasin ay “Filipina actress Anne Curtis-Smith is the true definition of an Asian multi-hyphenate celebrity. Beneath the red carpet poise and wholesome smiles, Curtis’ determination is more steely and serious that she lets on.”

Sabi niya, “Soooo kilig to share with you my latest post on Instagram. This is what I secretly flew out to London for. I can’t believe it. So honored to be on the cover of this magazine alongside some very cool people. Hope I made you guys proud.”

Mababasa ang comment ni Erwan Heussaff na “Congrats love” at mababasa rin ang comment ng friends niya, gaya ng fotog na si BJ Pascual na ang sabi, “OMG SO MAJOR @annecurtissmith @bryanboy.”

Firefly best child actor, bibida sa afternoon serye

Pagkatapos mag-guest sa Abot-Kamay Na Pangarap, magbibida si Euwenn Mikaell sa bagong afternoon series ng GMA 7 na Forever Young. Si Gil Tejada raw ang director ng series na pagbibidahan ng Metro Manila Film Festival 2023 Best Child Actor sa pelikulang Firefly.

Dalawa sa makakasama ni Euwenn sa series sina Althea Ablan at Princess Aliyah at sa storycon, makikilala pa natin ang iba pang kasama sa cast. Nagsimula na ang workshop ng cast bago simulan ang taping.

Ayan, hindi na siya mami-miss ng kanyang fans na simula nang mapanood siya sa Firefly ay gustong mapanood siya nang regular sa telebisyon.

And speaking of Firefly, successful ang premiere ng movie sa UAE at nagsimula ang regular showing last Thursday, Jan. 18. May mga request ng mga Pinoy sa ibang parte ng mundo na ipalabas kung saan sila ang nasabing pelikula, tingnan natin kung magagawan ng paraan.

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with