^

Pang Movies

Matagal nang nagtatago...Dimples, inaming walang gustong kausapin si Angel

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Matagal nang nagtatago...Dimples, inaming walang gustong kausapin si Angel
Dimples at Angel

Totoo palang hindi na humahawak ng cellphone si Angel Locsin.

Detoxified na ito sa social media at walang sinasagot kahit sinong mga naghahanap sa kanya.

Ito ang ibinigay na update ng isa sa best friends ng misis ng negosyanteng si Neil Arce na si Dimples Romana sa press launching ng actress bilang newest face ng Luxe Skin’s Collavera Collagen Drink.

“Happy siya. I get to see her anytime. She doesn’t hold her phone. She doesn’t reply to anybody. I’m sure kahit kay Neil (Arce) din, ewan ko ha,” umpisa ni Dimples na ibig sabihin ay siya lang ang kinakausap ng kaibigan. Pero ba’t si Neil ba hindi kasama ni Angel?

“She has detoxified herself from social media and so alam mo ang galing niya eh. Kasi for the longest time she’s been under that magnifying glass. Naisip ko ‘oo nga ‘no?,” kuwento pa ni Dimples tungkol kay Angel na mahigit isang taon na ring hindi nagpaparamdam sa showbiz / social media.

“Pwede tayong maging masaya nang hindi lahat naka-post ‘yon.”

Hindi talaga siya lumalabas? Pero andito siya sa Pilipinas?

“Opo nandito po siya.

“Ok naman po. Very happy siya. I saw her, she felt very light. Nagkukulitan kami. Kumain kami together. Nakikita niya ang mga bata kasi ‘pag dinadala ko ‘yung kids. I’m very happy with how she’s living her life. She’s showing a lot of people that ‘ok, we make choices, and this is my choice. This makes me happy, and you don’t all have to know about it.”

At bilib siya sa ginagawa ng kaibigan.

Kaya naman natutunan na rin niyang hindi gaanong ibuyangyang sa social media ang lahat-lahat ng mga kaganapan sa buhay ng kanyang pamilya.

“Ang galing eh. So tuloy natutunan ko na ako rin, for example, parts of my family life, I don’t post online anymore. Kasi feeling ko, bugbog na bugbog na ‘yung lahat ng nangyayari sa buhay ko. Ang dami na nilang alam tungkol sa pamilya ko, how I do my job,” pag-amin ng aktres na sa kasalukuyan ay may 18 endorsements na.

Ngayon aniya limited na rin ang mga post niya lalo na at hindi naman talaga showbiz ang mister niyang si Boyet Ahmee. “So mostly now, the ones I would post are about the children. Every now and then, Boyet would be there. Si Boyet lang kasi naging shy over time lalo nung pandemic kaya he became very shy about posting because syempre nakita niya na parang ‘ok. I post about Capt (her eldest daughter Callie); it’s all over the news right now, eh? I post about Alonzo (middle child)... Alonzo does commercials lalo si Elio (youngest) especially when he came out, puro artista pa halos mga ninong at ninang.

“So si Boyet would always remind me to keep our family and privacy to honor it, kasi siya ‘yung padre de pamilya, and if he says, ‘ito lang yung pwede mong i-post, ‘wag mo nang i-post ‘yung ganito’ susundin natin ‘yon.

 “He grounds me talaga. Hindi naman artista si B, so syempre siya,

‘Okay, I keep the fourth at home safe and sound; limit also your postings about your children.’ Kaya minsan mapapansin mo hindi ako nagpo-post about Capt, kasi si Callie is an introvert. She rarely posts about herself, so I always have to ask her, ‘Ok lang ba, ate,’” paliwanag pa ni Dimples na ang tinutukoy ay ang anak na pilot na nag-aaral sa Australia.

“So ayoko lang ‘yung parang because I’m an artista, parang automatic na sina Boyet din will have to adjust to my lifestyle, mali naman ‘yun. So ngayon nandu’n kami. Saka ang tagal naman na namin ni Boyet, 21 years.”

Si Callie ay pwede nang magpalipad ng private plane at oras na maka-graduate saka lang ito makakapagpalipad ng commercial plane.

Pero aminado ang actress na madugong magpaaral sa abroad lalo na sa kurso nito. Kung hindi lang daw siguro siya nagpapaaral sa abroad, pwede na siyang hindi magtrabaho.

Anyway, walang plans si Angel na mag-come back sa showbiz?

 “Hindi po namin pinag-uusapan. Kasi ‘pag nandun po ako, ang pinag-uusapan namin ay mga anak ko, kamusta ako. Ganun siya eh. Kasi nga hindi naman ganun ka-updated na sa social media. Gusto ko. Ang ganda ng effect sa kanya. ‘Pag nakita n’yo siya, ‘yung face niya… parang maaliwalas.”

 Wala ba siyang baby, sundot na tanong namin.

“Ah wala, opo wala po.”

Sharon, itinago na ang mga pa-quote

Naka-archive na ang mga hugot ni Sharon Cuneta.

Mukha ngang naglilinis si ate Shawie ng account para hindi na maalala ang mga pa-quote niya na nabibigyan ng ibang meaning ng mga netizen.

Pero ang isang sure raw ayon sa source, ay hindi na naman diumano sila in good terms ni Gabby Concepcion.

In fact, ayon  sa usap-usapan, sa kasalukuyan ay malabo na raw matuloy ang repeat ng kanilang Dear Heart concert.

At lalong wala na raw pag-asa ang reunion movie nila.

May isang baguhang producer nga ang handa sanang sumugal sa kanilang balik-tambalan matapos ang massive success ng kanilang reunion concert sa MOA last year, pero wala na raw ‘yun pag-asa.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with