^

Pang Movies

Young actress, hindi nagpatawad sa tf

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Lumapit daw ang isang event organizer sa isang taong malapit sa magandang young actress na mebenta ngayon sa TV at movies.

Gustong kunin sa isang charity event ang young actress. Ang problema, maliit na ang token, pawang in kind pa ang ibang ibibigay.

Umayaw ang malapit sa young actress sa token. Ang kundisyon niya, dagdagan ang datung at kukunin na rin nila ang giveaways, huh!

Eh either ‘yung pera o giveaways lang ang kaya ng orga­nizer. Pero ayaw ng malapit sa aktres na gustong kunin pareho ang ibibigay, huh!

Umayaw na lang ang organizer sa pagkuha sa young actress dahil hindi mapakiusapan ang malapit sa kanya!

Marian, balik-primetime

Pangungunahan ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera ang pasabog ng Kapuso sa Primetime na pinamagatang My Guardian Alien kung saan si Gabby Concepcion ang kapareha niya.

Mapapanood naman sa January 15 ang comeback series ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na Die, Love, Repeat kung saan si Xian Lim ang kapareha niya.

Back to back ang premiere nito sa series na Asawa Ng Asawa Ko na bida sina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz.

Bongga.

vuukle comment

TALENT FEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with