^

Pang Movies

Michelle, biktima ng sexual abuse!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Michelle, biktima ng sexual abuse!
Michelle Madrigal.
STAR/ File

Nakakalungkot naman ang ibinahagi ng dating aktres na si Michelle Madrigal na biktima pala siya ng sexual abuse.

Nilantad niya sa social media ang tungkol sa kanyang mga pinagdaanan.

Ang mga malalapit lang daw sa kanya ang nakakaalam na survivor siya ng sexual abuse. Ilang taon daw niyang tiniis ito na sa murang edad ay kinuha ang kanyang pagka-inosente.

“To be completely transparent, I endured sexual abuse at a tender age for a number of years, a time when my innocence was cruelly taken, leading to a tumultuous adolescence,” bahagi niya.

Wala raw siyang ideya na dumaraan siya sa PTSD o post traumatic stress disorder. Nabuksan lamang ang isip niya nang magpakonsulta siya sa therapist sa edad na 20. Doon lamang daw siya naliwanagan sa kanyang rebellious phase. “I was angry, indifferent, seeking solace in drugs and alcohol to escape the overwhelming emotions, unworthiness, and fear. I often questioned why it happened to me,” kuwento niya.

Kaya ayon sa kanya, gagamitin niya ang kanyang boses at pinagdaanan para makatulong sa kanyang mga kapwa survivors at matulungan ang mga ito sa healing journey nila.

Ngayong nanay na siya, papangaralan daw niya ang kanyang anak na si Anika tungkol sa serious issues gaya ng pang-aabuso.

Kasalukuyang naka-base sa Texas ang dating aktres at nagtratrabaho bilang realtor.

MICHELLE MADRIGAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with