^

Pang Movies

Jericho at misis, nagpapa-annul na raw?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jericho at misis, nagpapa-annul na raw?!
Kim Jones at Jericho Rosales
STAR/ File

Matatapos na lang ang taon ay may humabol pang celebrity couple sa issue ng hiwalayan.

Usap-usapan ngayon sa social media sina Jericho Rosales at misis na si Kim Jones matapos i-blind item ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ang showbiz couple na matagal nang hiwalay.

“Noong narinig ko ito, nalungkot ako. Akala ko kasi, itong guwapong aktor na ito na ikinasal sa napakagandang babae, all along akala ko maayos ang kanilang relasyon,” simula ni Ogie.

Patuloy niya, nakita pa raw nila sa isang event ang mag-asawa kamakailan.

“Ay oo, ang bongga! Kakaiba ‘yung outfit nu’ng girl,” sabi naman ng partner niyang si Mama Loi.

“Ayun na nga, all along, we thought na okay pa rin sila. Na silang dalawa ay ine-enjoy muna ang isa’t isa habang hindi pa nagbubunga ang kanilang pagmamahalan kasi wala pa silang anak,” sabi ni Ogie.

‘Yun pala ay hiwalay na ang mag-asawa at inaayos na ang annulment. Pero nanatili naman daw na magkaibigan ang dalawa.

Tsika pa niya, noong pandemya pa pala nagsimulang ipa-annul ng mag-asawa ang kanilang kasal and that was 2 or 3 years ago pa at kasalukuyang nakaproseso pa raw ngayon.

Tanong ni Mama Loi, “pa’no ‘yung mga conjugal properties nila?”
Sabi ni Ogie, “paghahatian daw nila. At ‘yung kanilang lovenest, Loi, eh ibebenta na nila para mapaghatian kung anuman ang magiging amount nu’n.”

Hindi na raw idinetalye pa ng source niya kung ano ang dahilan ng hiwalayan pero ang importante raw ay magkaibigan naman ang dalawa.

Nagtanong ng clue si Mama Loi at sabi ni Ogie, “gusto mo akong sumigaw dito?”

Sabi naman ni Mama Loi, “mahirap sumigaw dito, kulob.”

Natawa si Ogie at sinabing “sasampalin kita.”

Sey naman ng isa pa nilang partner na si Jegs, “huwag ka ngang ganyan, bati na sila ni Kim Chiu.”

Sabi ni Ogie na tila inaawat si Jegs, “hoy!”

Dahil sa clue na ito ay kanya-kanyang hula ang netizens at marami ang nag-speculate na sina Echo and Kim daw ito.

“’Echo’ Jericho Rosales at Kim Jones ang blind item. actually una pa lang na nagdedetalye si mama ogs eh silang dalawa agad pumasok sa isip ko echo at kim, lalo lang napagtibay ng ‘gusto mo kong sumigaw? Para marinig mo,’” sabi ng isang netizen.

“Wag kang sumigaw mama ogz baka mag echo hahahahahha,” sabi naman ng isa pa na bumase rin sa clue.

“Omg is it Echo and Kim? Anyhow thank you dahil lagi nyo Ako napapatawa!!! Happy new Year! With love from Kuwait!!!” komento naman ng isa pa.

Sa X (dating Twitter) naman ay may nag-tweet ng “OMG matagal na pa lang hiwalay si aktor and asawa nya? Pero nakita pa silang magkasama sa isang ball. Ang talac naman ng mga bayot eh friends sila and tinatapos na lang ang annulment. Clue: JunioR and KillJoy.”

Lumikha rin ang post na ito ng reaksyon mula sa netizens at halos lahat ng nagkomento ay iisa ang hula.

“Hindi na nakakapagtaka kasi wala na din akong makitang mga post nilang dalawa magkasama e,” saad naman ng isang netizen.

“Not true. Magkasama dalawa with the biyenan,” pagtanggi naman ng isa pa.

Samantala, bukas ang aming pahina para sa panig nina Echo and Kim sa usaping ito.

vuukle comment

JERICHO

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with