Isabel Rivas, nanawagan sa pandurukot sa kapwa aktres na si Azenith Briones!
Sa pamamagitan ng kanyang social media account, ibinalita ni Isabel Rivas na ‘dinukot’ ang kaibigan niyang dating aktres na si Azenith Briones.
Sa kanyang Facebook post kahapon (Nov. 18), sinabi ni Isabel na hindi pa raw nila natatagpuan si Azenith at nakipag-ugnayan na nga raw siya sa mga awtoridad.
“Friends: I just want to inform everyone that I am looking for my dear friend Azenith Briones who was abducted & up to this time we cannot find,” simula ni Isabel.
“I have talked to the proper authorities & we her friends will do everything we can to get her out where they are keeping her,” patuloy niya.
Nilinaw rin ni Isabel na walang bisyo si Azenith at lalong walang problema sa pag-iisip sa edad na 67.
“She is not an addict, not alcoholic, not addicted to gambling & definitely not mentally challenged nor crazy as others claim. She is in her best state at 67 years young but yes she’s going thru heartbreak’s bcuz of family issues,” aniya.
“May God protect her wherever they are hiding her, give her strength & hope. May our authorities help Azenith Briones in her time of need,” she said.
Nakiusap si Isabel na tulungan sila sa paghahanap kay Isabel at nanawagan din na ipagdasal ang kanyang kaibigan.
“This is one of her lowest times after her husband died trapped in a casino years ago. No mother deserves to be treated like this. I plead to her family to pls help us find or just see her as we all know how devastated she must be at this time.
“Pls let’s all pray for Azi as I fondly call her for us to see her. amen Jesus Christ we lift her up To You Lord God… amen
FYI… her FB was taken down too,” pahayag ng veteran actress.
As we write ay wala pang pahayag ang pamilya ni Azenith tungkol dito at bukas ang aming pahina para sa kanilang panig.
Si Azenith ay isa sa mga sumikat na artista noong dekada 70 at 80 at naging leading lady sa ilang mga pelikula tulad ng Temptation Island, Omeng Satanasia, Basta Driver, Sweet Lover, Boy Negro among others.
‘Magdyowa’ noon!
Para palang magdyowa ang friendship noon nina Maricel Soriano at Roderick Paulate to the point na pinupuntahan pa ni Maria ang kaibigan sa gimikan at pinauuwi.
Ayon kay Roderick, sobrang selosa raw talagang kaibigan ni Maria noon kaya minsan ay hindi na niya sinasabi ang kanyang mga lakad.
“So, one time, tinawagan niya ‘yung nanay ko, tinatanong niya kung nasaan ako,” kwento ni Kuya Dick sa mediacon ng reunion film nilang In His Mother’s Eyes.
Kontra naman ni Maria, “hindi ako tumawag, pumunta ako sa bahay mo.”
Eh hindi raw alam ng nanay ni Dick kung nasaan ang anak kaya tinong ni Maricel kung ano ang sapatos na suot ni Dick at nang sinabi ng ina na balat, alam na niya agad kung nasaan ang kaibigan.
Kaagad daw na pumunta si Maricel sa lugar na maaaring puntahan ni Dick at bingo, nandun nga ito.
Kwento ni Roderick, bigla na lang daw sinabi sa kanya ng guard na nasa labas si Maria.
Sey naman ni Maria, “para kong nirolyo sa espasol. Ganu’n ang hitsura ko, puro pulbos, naka-pajama.”
Sey raw niya kay Dick, “’pag hindi ka umuwi at ‘pag hindi ka sumakay sa kotse, magwawala ako dito. Na naka-pajama.”
Walang choice si Roderick kundi sumama kay Maria. So, ganu’n daw sila noon. Of course, nang nag-mature na sila at nagkaedad ay dumalang na rin ang kanilang pagkikita pero nanatili pa rin silang magkaibigan up to now.
Ilang beses na raw silang nag-away, nagbati pero ang maganda raw sa kanila ay hindi nawawala ang kanilang respeto sa isa’t isa kaya tumagal nang ganito ang kanilang friendship.
Sa In His Mother’s Eyes ay magkapatid ang role nina Maria at Roderick at may sampalan scene sila pero si Kuya Dick ang sumampal sa aktres kaya biro nga niya, naiganti na niya si Kim Chiu na sinampal ni Maria sa Linlang.
Ang In His Mother’s Eyes ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa Nov. 29 mula sa direksyon ni FM Reyes under 7K Entertainment. Kasama rin sa movie si LA Santos, Ogie Diaz, Maila Gumila, Ruby Ruiz at marami pang iba.
- Latest