^

Pang Movies

Carla, gulat sa mga manliligaw

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagulat si Carla Abellana nang may magtanong sa kanya sa mediacon ng Stolen Life ng GMA Network tungkol sa balitang may sikat na actor siyang boyfriend ngayon at naisagot niya agad ay “wala naman po, walang artista o actor or anything, wala pong ganoong eksena.”

Pero kung sakali ba ay handa na siyang magkaroon ng bagong boyfriend?

“Hindi ko po masasabi na open na ako or ayaw ko ring sabihing ayaw ko na. Siguro, kung ano na lamang ang dumating, or go with the flow. Ayaw ko ring mag-close ng doors at ayaw ko namang basta na lamang magkaroon ng isang relationship,” natatawang sagot niya.

Lalo siyang natawa nang kumustahin ang mga dating nagpaparamdam daw sa kanya? “Nawala na silang lahat! Hindi ko naman sila binasted!”

Inamin ni Carla ang tungkol sa divorce proceedings nila ni Tom Rodriguez, na iba nga raw ang proceso rito sa Pilipinas at iyon ang hinihintay niya para masabing malaya na siya talaga. Technically raw ay divorced na sila, pero sa Pilipinas in the process pa rin ang pag-recognize rito.

Maganda ang teaser ng Stolen Life na muling pagtatambalan nina Gabby Concepcion at Carla, kasama nila si Beauty Gonzalez.

Mapapanood na simula sa Monday, Nov. 13, ang Stolen Life, 3:20 p.m. after Abot-Kamay ang Pangarap sa GMA 7.

Diana, nagustuhan ang buhay sa Australia

Nag-guest si Diana Zubiri sa Fast Talk with Boy Abunda last Friday, at doon nalaman ng mga netizen kung bakit biglang nawala ang isa sa original na Sang’gre ng Encantadia.

Nag-migrate na raw ba siya sa Australia with her family? “Lumipat muna kami roon nang magkaroon tayo rito ng COVID-19 pandemic, three years ago, dahil doon mababa ang cases nila,” kuwento ni Diana. “Simpleng buhay lamang kami roon, nag-aalaga ako ng three kids ko and my husband Andy. Nag-try kami ng three months, then six months, hanggang sa nagustuhan na naming living there. Thankful ako na naroon ako habang lumalaki ang mga anak namin. Ang nakakatuwa at ipinagtataka ko rin kung minsan, napakaganda ng relationship namin ni Andy, hindi kami nag-aaway.”

Kaya ikinagulat ng marami nang bigla siyang nag-appear, na lalong gumanda at sumeksi, sa It’s Showtime last Wednesday, kasama ang mga original na Sang’gre na sina Iza Calzado, Karylle at Sunshine Dizon. Sa tanong ni Boy Abunda kung may possibility raw na makakasama ang original Sang’gres sa Encantadia Chronicles: Sang’gre ang sagot ni Diana: “Iyon ang aabangan, kung kasama kami” Nakangiting sagot niya.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with