^

Pang Movies

Sikat na aktor, sinusulot ng malaking media company!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Gaano kaya katotoo na pini­pirata ang isang super-sikat na aktor ng isang malaking media company? Ang aktor na ito ay hot property ng network at nakakasilaw raw ang malaking offer sa kanya.

Bagama’t mayaman na ang super-sikat na aktor, posible raw na masilaw siya lalo pa nga’t maganda raw ang inaalok na proyekto sa kanya.

Tiyak na pag-uusapan daw at tatatak raw sa kanya ang serye at role na gagawin.

Kung utang na loob ang paiiralin niya, hindi niya iiwanan ang network na kinabibilangan niya. Ito kasi ang nagpasikat sa kanya.

Balita pang matatapos na ang kontrata ng aktor sa network at talent agency na nagpasikat sa kanya.

Dapat daw sigurong bigyan ng mas bongga at malalim na serye ang tisoy na aktor para hindi na siya magdalawang isip na mag-ober da bakod.

Ang mga pelikula raw kasing ginagawa nito ay talagang magaganda at kumikita. Na kabaligtaran naman sa mga TV series niya na so-so lang ang dating.

Hindi umano umaangkop sa estado ng career niya ang role na ginagawa niya sa mga seryeng ibinibigay sa kanya. Mabait daw kasi ang aktor at puro yes na lang siya sa management.

Sana raw ay bigyan siya ng tamang project. Pagalawin ng network ang creative team nila para makaisip ng swak na project at challenging para sa sikat na aktor.

Sana raw ay magkaroon din siya ng serye na trending at pag-uusapan gaya ng huling serye ni Dingdong Dantes na Royal Blood at Unbreak My Heart ni Joshua Garcia or Linlang at iba pa.

Sayang daw ang kasikatan at talent ng aktor kung hindi mabibigyan ng tamang project. Mahal naman siya ng masa dahil kumikita ang mga pelikula niya. May box-office appeal.

Bonggang materyales lang siguro ang kulang sa mga serye niya. Baka kung maipapangako ‘yan sa aktor ay mananatili ang loyalty niya sa giant network.

Sino ang aktor? Well…

KC, nagpaiyak sa mga lumang sulat

Masayang-masaya ang fans nina Sharon Cuneta at KC Concepcion na okay na okay na naman ang mag-ina at sweet na sweet na naman sila ngayon.

Sa kanyang Instagram ay ipinost pa ni KC ang old letters niya sa kanyang Mommy at ginawan pa nga niya ng vlog.

“My mama collected my letters to her from when I was a wide-eyed 6 year old. Wowww! Natatawa kami sa mga kinukwento ko sa mommy ko dati.  I-shi-shimmy ko sa inyo (SHIMMY = my word for chika ) sa new vlog ko ung mga pinagsususulat ko nung 90s as Little KC?hehe! All collated by Mama,” ang caption ni KC.

Touched na touched ang netizens sa letter ni KC na missed na missed ang kanyang mommy.

vuukle comment

COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with