^

Pang Movies

Kapuso X-Mas ID, inalala si Mike Enriquez

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kapuso X-Mas ID, inalala si Mike Enriquez
Mike Enriquez

Napanood namin ang Christmas ID ng GMA Network. Talagang dapat naman nilang ipagmalaki ‘yun dahil sa nakita namin, ang laki ng kinita nila sa casual advertising na ipinasok nila sa nasabing Christmas ID.

Nakakatuwa rin ang kanilang pagbibigay puri sa mga pribadong mamamayan na tumutulong sa kanilang kapwa.

Sa huli, nagbigay pugay din sila kay Mike Enriquez na binanggit nila ang pagtulong noon sa aming Parokya ng Our Lady of the Abadoned sa Santa Ana, Manila.

Totoo naman iyon, alam ng mga lehitimong mga taga-Santa Ana ang pagtulong ni Mike sa parokya at sa pagpapalaganap sa debosyon sa Mahal na Birhen ng Walang Mag-ampon.

KC, lutang pa sa reunion ng mga magulang

Masayang-masaya pa rin si KC Concepcion nang batiin sa pamamagitan ng isang social media post ang kanyang amang si Gabby Concepcion, na tinawag niyang “my sweetest and handsome father” kalakip ng luma nilang picture.

Ginamit pa ni KC ang bukambibig ni Jimmy Santos na “I love you three times a day.”

Hindi maikakaila na tuluy-tuloy ang kaligayahan ni KC dahil sa magandang pangyayari sa reunion concert ng kanyang mga magulang, bagama’t may obserbasyong hindi na sila kasing sweet noong una sa kanilang repeat performance sa Okada. Medyo may distansiya na raw ang dalawa sa isa’t isa.

Magkakaroon pa sila ng concert sa Cebu.

Tama rin ang sinabi ni KC, ang nakaraan ay nakaraan na at hindi na maibabalik pa ang panahon. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan at ang hinaharap.

Kaya’t tama na ‘wag na siyang umasa.

Ang importante ay nagkasundo sila at nasabi sa isa’t isa na andyan sila at nagsusuportahan bilang dating pamilya.

Angelica, nakaswerte sa lalaki

Nag-celebrate din ng kanyang birthday si Angelica Panganiban, at sinasabi niyang iyon na ang kanyang huling birthday bilang si Angelica Panganiban. Ikakasal na sila ni Gregg Homan.

Suwerte rin si Angelica, nakakuha siya ng isang reponsableng lalaki na pinanindigan ang obligasyon sa kanya. Nagligawan sila at nagkagustuhan, nagkaroon sila ng anak at ngayon ay ikakasal na sila o kasal na ba?

Hindi lang malaking bagay iyon para kay Angelica kundi lalo na sa kanilang anak. Ngayon masasabi nang lehitimo siyang anak ng kanyang mga magulang.

There was a time na umasa rin naman si Angelica at naniwalang mauuwi sa kasalan ang isa niyang affair, pero hindi pa pala.

Ngayon at least masasabi ni Angelica na nakakuha siya ng isang lalaking responsible at talagang mamahalin siya.

Baguhang actor, nagbulatlat ng ‘alaga’ sa bading

“Ay ano iyan,” ang sabi ng ilang kakilala namin sa napanood nilang isang gay series sa internet noong isang gabi, kasi wala raw kaabug-abog at wala naman sa takbo ng kuwento, biglang nagyayaan ang dalawang lalaki na maglabas ng init ng katawan, at ipinakita iyon sa serye.

Hindi naman iyong bida ang gumawa noon kundi iyong nasa supporting cast lang dahil hindi naman siguro gagawa ng ganoon kahalay na eksena ang mga bida na mga tunay na artista na.

Pero noong ikinukuwento nila sa amin, hindi kami nabigla, dahil ang nakita naming sex video ng baguhang male starlet na sinasabi nila ay tiyak na mas grabe kaysa sa napanood nila. Ang napanood nila madilim pa ang lighting at walang nakitang private parts. Iyong nakita naming sex video ng baguhang iyon ay maliwanag at nakabulatlat talaga ang kanyang private parts.

Ang kaibahan nga lang, hanggang ngayon iyon ay nananatiling isang private video sa koleksiyon ng isang showbiz gay, na naka-date ng baguhang male starlet “for a fee.”

vuukle comment

MIKE ENRIQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with