^

Pang Movies

Indonesian influencer, kasama na ni Kuya Kim sa pag-e-endorse ng Barley

Dianne Canlas - Pang-masa
Indonesian influencer, kasama na ni Kuya Kim sa pag-e-endorse ng Barley
Anin at Joey
STAR/ File

Ipinakilala ng Santé Barley ang kanilang bagong Indonesian Brand Ambassador na si Anindita Hidayat Sa ginanap sa isang press event sa The Hive, Santé Headquarters sa Silang, Cavite noong Sept. 11. Inilantad din nito ang kanilang mga initiative upang mas pagtibayin ang puwesto nito sa global market.

Ngayong matatagpuan na rin ang kanilang mga produkto sa Indonesia kaya’t ipinakilala nila ang kanilang latest Indonesian Brand Ambassador na si Anindita Hidayat na isang multifaceted content creator na kilala sa kanyang inspirational at motivational content spanning fitness, lifestyle, business, at public speaking.

Bago raw siya napapayag sa kanilang kolaborasyon ay personal niyang sinubukan ang mga produkto ng Santé nang tuluy-tuloy sa loob ng dalawang linggo. Napansin niya raw ang naramdamang pagbabago kung saan nagkaroon siya ng energy na importante raw para sa kanya dahil sa kanyang madalas na pag-ehersisyo at naging maayos din daw ang kanyang pagtulog na mga bagay na lubos daw niyang pinahahalagahan.

Natutunan din ni Anin kalaunan na ang pagiging healthy ay hindi lang tungkol sa physical activity kundi sa mga kinakain natin at mga pinapasok natin sa ating katawan. Kaya lagi niyang pinaaalala sa kanyang followers sa social media na mahalin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanilang katawan dahil sigurado raw mas bubuti ang iba pang aspeto ng buhay pagkatapos nito.

Ipinagmalaki naman ng Chief Executive Officer ng Santé na si Joey Marcelo na pag-aari ng kumpanya ang manufacturing facility sa New Zealand, at isa raw ito sa advantages nila pagdating sa pagbuo ng brand sa Indonesia.

BioGro-certified daw ang kanilang mga produkto na isang certification kung saan tinatanggap hindi lang ang produkto kundi pati na rin ang buong proseso sa buong mundo.

Ngayong matatagpuan na sa 10 bansa ang kanilang mga produkto, patuloy nitong pinapasok hindi lang ang Southeast Asia region kundi pati na rin ang buong mundo.

Nilantad din ng CEO na bukod sa Indonesia na kanilang ika-siyam na bansa habang kakalunsad lang nila sa US nakaraang linggo, pinaghahandaan na rin nila ngayon ang pagbukas nila first quarter sa susunod na taon sa Saudi Arabia at Italy.

Samantala, isa rin ang TV host na si Kim Atienza sa brand ambassadors ng Santé Barley.

vuukle comment

HIVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with