Dream house ni Jak, nag-groundbreaking
Naghahanda sa future nila ni Barbie
Another dream fulfilled para sa Kapuso actor na si Jak Roberto ang ginanap na groundbreaking para sa dream house na pinatatayo.
Inilabas ni Jak sa kanyang Facebook ang groundbreaking at sabi, “Finally, it’s happening! Iba talaga ang feelings ‘pag sa groundbreaking! And since magsisimula na kami ng construction, nagse-set up na rin tayo ng utility truck para sa site para raw mas makatipid. Enjoy guys.”
Inilabas din ni Jak ang video ng groundbreaking sa kanyang vlog.
Kahit hindi bida si Jak sa The Missing Husband, may achievement naman siyang nakamit dahil sa pagtatrabaho.
Secured naman kasi si Jak sa relasyon sa GF na si Barbie kaya kahit sino pa ang ipareha dito eh alam niya kung nasaan siya sa puso ni Barbie, huh!
sanga-sanga na...
Away nina Sharon at KC, totohanan o pakontrobersya?!
Naku, nagsanga-sanga na ang balita kaugnay ng umano’y sigalot ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.
Naglabasan ang ispekulasyon ng hindi pagkakaunawaan sa pag-unfollow ni KC sa account ng stepfather na si Kiko at stepsister na si Frankie Pangilinan.
Nagpahayag na tungkol dito si KC. Pero wala nang iba pang detalye siyang ibinigay.
Sa ganang amin, anak pa rin ni Sharon si KC. Kung may hindi pagkakaunawaan, mas unahin niyang resolbahin ito nang pribado kesa ilabas pa sa publiko ang dahilan.
Nataon na may Sharon-Gabby Concepcion concert next month kaya iniisip ng marami eh pakulo ba ito para umingay ang concert?
Naku, hindi ang gaya ni Sharon ang gagamitin ang personal na buhay para lamang sa kanyang career at project with Gabby, huh!
Magulat kayo kapag nakita ninyo si KC sa concert, huh!
- Latest