^

Pang Movies

Jay Sonza, tumanda ang hitsura sa kulungan!

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibang-iba na ang hitsura ni Jay Sonza sa kumalat na mugshot niya Quezon City Jail quarantine facility sa Payatas.

Inaresto pala ito dahil sa diumano’y syndicated estafa and large-scale illegal recruitment ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nag-trending kaagad si Mr. Sonza at kinumpirma rin ni NBI Assistant Director Glenn Ricarte na na-turn over na nga sa kanilang custody ang TV personality na nabansagang ‘fake news spreader’ matapos itong pansamantalang makulong at arestuhin ng Bureau of Immigration two weeks ago.

Papunta pala raw si Mr. Sonza sa Hong Kong that time nang nakausap ng taga-Immigration. At napigilan daw umalis ng bansa nang makita ng BI ang nakabinbing kasong estafa laban dito.

Actually, parang malungkot, pero maraming natuwa sa nangyari kay Mr. Sonza.

Sabi ng ibang netizens, dasurv niya ‘yun dahil ang dami niya namang naikalat na fake news.

Isa rito ang tungkol sa anak ni former vice president Leni Robredo na nilaktawan daw ang community quarantine matapos dumating mula sa ibang bansa at kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19. Ito ay nung kasagsagan pa ng pandemic.

Ipinost niya sa Facebook noon na “Sabi mo Madam, dapat walang palakasan. Bakit iyong anak mong dumating derecho sa bahay, hindi dumaan sa Quarantine Protocol?”

Maaalala ring three years ago nang ireklamo siya ni Julia Barretto sa NBI.

Pinagkalat noon ni Mr. Sonza na diumano’y nabuntis ni Gerald Anderson si Julia.

“Ang dami ko na kasing pinagdaanan, ang dami ko nang pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputation ko, ang pangalan ko. You know, I think I just want to show people na hindi ko na pinapalampas ‘yung mga bagay na ganito,” sabi ni Julia sa interview nito noon matapos niyang ireklamo ang nakakulong ngayong TV personality.

Komento ng ibang netizens, parang nakaganti na si Julia dahil sa pagkakakulong nito.

Anyway, naalala ko lang ‘yung kuwento noon na pinatanggal diumano ni Ms. Mel Tiangco ang isang painting na andun ang mukha ni Sonza.

Dingdong, nakaka-relate sa mga singer

Mapapanood na ang The Voice Generations, sa GMA, umpisa ngayong Agosto 27.

Ang The Voice Generations ay  showcase ng boses at puso na first time sa Asia though may ibang mga The Voice na pero ito ay iba dahil ‘generations’ ang mga sasali.

 Hosting The Voice Generations is no less than Dingdong Dantes.

Aminado si Dingdong na nagkaroon ng overlaps sa kanyang mga ginagawa. “Well, with regards to, ‘yung schedule, I’m sure hindi naman din siguro  first time na ganun mangyayari na may overlaps kasi matagal na pong naplano itong show na ito at baka siguro nagkataon lang na magkakaroon ng overlaps but nevertheless, sa tingin ko po kasi iba-iba po ‘yung ginagampanan ko ring roles,” pag-amin ng actor/TV host.

Katwiran niya pa “Halimbawa sa TV, I bring to life... sa Amazing Earth pa rin. Dito while ‘yung job title ko ay host, sa tingin ko very interesting ito for me since hindi naman talaga ako singer although I appreciate music just like the rest of the whole Filipino population.”

Dagdag pa ni Dong : “Kultura po talaga natin ang ibigin ang musika in whatever shape or form. I consider myself as, kumbaga, the first audience ng nangyayari rito sa mga guest kasi nakikita ko po ang mganangyayari backstage.

“Nakakausap ko ‘yung relatives, nakakausap ko yung mismong contestants, so dun pa lang I get to have a deeper understanding kung bakit sila sumasali and therefore I touch on the human side of why they do this and seeing them onstage, ako rin ‘yung isa sa mga unang nakakapanood ng kanilang performance.

“Not just the performance of the talents but also the performance and the chemistry and camaraderie of our coaches kasi namamangha ako sa kanilang interaction na para talagang that in itself is already a show especially recognizing their individual strengths and talents. ‘Pag nag-uusap na sila at nagbalitaktakan at syempre ‘pag dumating na ‘yung part na nag-a-advise na sila roon sa talents, para sa akin hinto po ‘yon at makita po ‘yon weekly is really something that I really would not pass on,”  mahaba niyang paliwanag sa bagong task kumbaga.

Kaya’t perfect choice ang Kapuso Primetime King bilang front ng GMA’s production of the world’s biggest singing contest title with his expertise in hosting – navigating the happy, but sometimes heartbreaking journeys of the talents in the competition.

 At ang coaches na maghahasa sa kanilang husay ay ang award-winning international singer, dancer, and host Billy Crawford; multi-awarded and best-selling recording artist and Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose; lead singer and choreo­grapher of the world’s well-loved P-pop boy group SB19’s Stell; and Filipino rockstar and lead singer of Parokya Ni Edgar Chito Miranda.

 Mapapanood ito every Sunday, umpisa sa Aug. 27. 

vuukle comment

JAY SONZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with