^

Pang Movies

Donita, alagang-alaga ang mister na may sakit

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Thankful si Donita Rose dahil sa tapang na pinapakita ng kanyang mister na si Felson Palad sa paglaban nito sa sakit na Type 2 Diabetes.

Naging sakit ito ni Felson noong 28-years old siya. Ngayon at 38 na ito, tuluy-tuloy lang daw ang pakikipaglaban nito sa kanyang kalusugan kahit na minsan daw ay parang gusto na nitong sumuko.

Pero pinapalakas daw ang loob nito na ituloy ang laban dahil sa panampalataya nito sa Panginoon at sa mga gawa at salita ng misis na si Donita.

Post ni Felson sa Instagram: “Managing my Type 2 Diabetes Journey. Six months ago, my A1C was 10.5. I used to weigh 190 lbs now I’m 168 lbs. I am only 38 years old and I was diagnosed with Type 2 Diabetes since I was 28. Losing weight plays a big role in managing type 2 diabetes. No bashing, please. Diabetes is a serious health condition. I almost had a stroke and lost my voice for a month: blurred eyesight and many others. My picture here is just one of those outcomes of lifestyle changes. I was very hopeless and depressed. I guess that’s why God gave Dee Donita Rose as my wife to be of help and share these lifestyle changes. With much prayer and wisdom from God, and with my wife’s help preparing my meals and pushing me to go to the gym and exercise with her almost every day, my AIC is down to 6.”
 Reply ni Donita: “I couldn’t be more thankful for having you lead us on this journey. I’ve always dreaded going to the gym in the past but you have made it so much fun, making me laugh with all your quirky efforts to brighten up my every day. It’s so much easier with an accountability partner and I married the best one on the planet.”

Ryan bang ‘di na mabilang ang mga celeb na nambasted

Hindi nahiyang aminin ni Ryan Bang na ilang beses na siyang nabasted ng mga Pinay celebrity na niligawan niya. Nagawa na lang na tawanan ng It’s Showtime host ang mga babaeng tinanggihan ang pagporma niya sa mga ito.

“Ay! Ang dami nila! Magsisi kayo, ang dami n’yo! Gumawa kayo ng group chat!” sabay tawa ni Ryan sa nakakatuwang interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Isa nga raw sa niligawan noon ni Ryan ay ang singer at unang winner ng Pinoy Dream Academy na si Yeng Constantino. Pero nauwi na lang daw sa friendship ang lahat. Happy naman daw si Ryan kay Yeng dahil happily-married ito kay Victor Asuncion.

Hindi raw taga-showbiz ang inspirasyon ni Ryan na ipinakilala na raw niya sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng FaceTime. Ito raw ang dahilan kung bakit gusto ni Bang sa Pilipinas tumira forever at hindi sa Korea.

“I wanna live my life forever here in the Philippines with my forever Filipina. Dito ako lumaki eh, dito ako mamamatay,” diretsong sagot ni Ryan na unang nakilala sa pagsali nito sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 kunsaan naging housemates niya sina Devon Seron, Ivan Dorschner, Yen Santos, Kazel Kinouchi, at ang winner na si James Reid.

Inilahad ni Ryan ang kanyang rason kung bakit gusto niyang maging permanente na sa Pilipinas.

“Kasi mahal na mahal ko ang Pilipinas. ‘Yung ugali ko, Pilipinas, tsaka gusto kong bumaha ‘yung pagmamahal nila sa akin. Gusto ko, nagpe-pray ako gabi-gabi kay Lord, kay Jesus Christ na ‘Lord gamitin niyo po ako, dati kasi gusto kong magpasaya ng mga Pilipino. Ngayon gusto ko maraming, maraming Pilipino ‘yumaman dahil sa akin.”

Ayon pa kay Ryan, isa sa kanyang mga naiisip ang pagbibigay ng trabaho sa mga Pinoy: “Hindi lang trabaho, gusto ko kapag may chance, basta marami ang yumaman dahil sa akin, ‘yun ‘yung pine-pray ko kay Lord. Lahat ng Pilipino. Kasi ‘yung binibigay nilang pagmamahal sa akin, ‘yun ang ipambabawi ko sa mga kababayan nating mga Pilipino.”

Taylor, hakot ang nominasyon sa 2023 MTV Awards

Humakot ng pinakamaraming nominasyon sa 2023 MTV Video Music Awards (VMAs) si Taylor Swift. Walong nominations ang natanggap niya para sa music video na Anti-Hero.

Muling gagawa ng history sa VMA si Taylor kapag siya ang maging top winner this year. Last year, siya ang first artist to win Video of the Year three times. Isa rin siya sa most-awarded artist in VMA history with 14 VMAs, just behind Beyoncé with 16 and Madonna with 20.

Mga nakatanggap din ng maraming nominasyon in this year’s VMAs ay sina SZA (6), Doja Cat, Kim Petras, Miley Cyrus, Nicki Minaj, Olivia Rodrigo, and Sam Smith (5).

Magaganap ang 2023 VMAs on September 12, live at the Prudential Center in Newark, New Jersey.
 

vuukle comment

DONITA ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with