^

Pang Movies

Andre, nag-alangan sa showbiz

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sikat at maga­ling na artista ang magulang ni Andre Yllana, sina Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Nag-alangan si Andre na pasukin ang showbiz dahil sa mga magulang. Pero dahil sa sinabi ng kanyang lolo tungkol sa pagiging anak nina Jom at Aiko, nahikayat na siyang mag-artista.

“Eh ‘yung iba nga, nag-a-audition, sumasali sa contest para makapasok sa showbiz. Sa sinabing ‘yon ng lolo ko, sinubukan ko at wala namang pagsisisi sa akin. Ngayon, kumikita na ako,” pahayag ni Andre sa interview namin sa Marites University.

Eh sa politics, wala ba siyang balak pasukin ang politics gaya ng parents niya?

“Naisama ako ng mama ko sa campaigns niya. Nakita ko ‘yung mga tao lalo na ‘yung nangangailangan. Nakakatuwa na nakakatulong ka.

“Pero kailangan ko pa ng mas malawak na experience bago pasukin ang pulitika. I am not closing my doors naman,” sabi pa ni Andre.

Kasama sa cast ng Viva series na The Rain in España si Andre at natural siyang komekero, huh!

Teka, nagpakasal na ang father niya sa first love na si Abby Vidu­ya. Eh payag ba siyang pakasal na rin ang ina?

“Magpakasal na siya! Gusto ko rin! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Andre.

Matangkad na aktor, mabenta sa mga bakla

Mabenta rin pala sa mga matron at bading ang isang baguhang aktor matangkad.

Eh nasasama sa basketball ng mga artista ang baguhang aktor. Palibhasa matangkad at makinis, hindi siya nakakaligtas sa gustong makatikim sa kanya.

Sa isa out of town game sa malayong probinsiya, natipuhan siya sa pinagpilian ng mayamang matron. Pero mas pinili ang senior na actor kesa sa kanya.

Pero hindi naman siya na-zero dahil mayamang bading naman ang nakatikim sa kanya, huh!

AIKO MELENDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with