^

Pang Movies

Koronasyon ni King Charles, fairy tale para sa mga Pinoy!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

As expected sinubaybayan nga ng mga Pilipino sa telebisyon ang naging koronasyon ni King Charles ng Great Britain noong Sabado ng umaga. Excited ang mga Pinoy sa ganyan, para ka nga namang nanonood ng true to life fairy tale, kasi wala namang hari sa Pilipinas. Dito sa atin ang pagtatalaga ng isang presidente ay talagang military at civilian ceremony lamang, hindi kagaya ng hari, iba talaga ang seremonyas, isipin mo iyong langis lang na ipinahid sa kanya ay galing pa sa Jerusalem at kinonsagra ng mga obispong orthodox bukod pa sa mga Angelican.

Kasi ang pagtatalaga ng hari ay pagtatalaga rin kasama ang Diyos.

Pia, nagpaka-wais sa kanyang condo    

Ipinagbibili na ni Pia Wurtzbach ang kanyang condo matapos siyang ikasal sa travel influencer na si Jeremy Jaucey.

Hindi na nga naman niya kailangan ng condo.

Fully furnished ang nasabing condo kaya siguradong mahal ‘yun ha.

Pero isipin ninyo iyang condo na babayaran ninyo ng kung ilang milyon, buwan-buwan ay magbabayad ka ng kung ilang libong “association dues,” masahol pa sa umuupa ka ng bahay. Kung magkaroon ng aberya o sunog, may property ka pa ba? Oras naideklarang hindi na maaaring tirahan ang building, wala ka na ring bahay. Wala ka namang bahagi sa lupa noon.

Ang binayaran mo lang ay right o ang iyong karapatang manirahan sa condo na iyon. Wala ka talagang property. Tama lang na ibenta na ni Pia iyan. Una basta naluma iyan bagsak na ang presyo ng ganyan. Wala namang bibili sa iyo ng condo na alam nilang hindi na rin tatagal. Ang dami mo pang limitasyon.

Kaya marami ngayon, maski na sa mga artista, sa probinsiya na sila tumitira. 

Bagets nasulot ng matrona kay Direk

Talagang inis si direk, dahil ang bagets na male starlet na nakakasama niya, isipin mong agawin ng isang matrona. Isinama lang niya minsan sa shooting ang bagets.

Kinabukasan nagpaalam sandali. Tapos nalaman na lang niya na doon na pala nakatira sa bahay ng matrona.  Siyempre matrona, at saka mas datungera siguro kaysa kay direk.

vuukle comment

KING CHARLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with