^

Pang Movies

Mike Arroyo, pinagdududahang may share sa pelikulang Mamasapano!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mike Arroyo, pinagdududahang may share sa pelikulang Mamasapano!

Totoo kaya na investor ng pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told si former first gentleman Mike Arroyo?

Ito ngayon ang usap-usapan.

Si Atty. Ferdie Topacio ang alam ng lahat na producer ng pelikulang na tumanggap ng Special Jury Prize and second Best Picture sa Gabi Ng Parangal ng MMFF na ginanap noong Dec. 27.

Ito kaya ang rason kaya hindi rin nag-promote sina Edu Manzano at Aljur Abrenica ng nasabing pelikula kahit isang beses?

Hindi pa sumasagot si Atty. Topacio nang tanungin ko tungkol dito.

May pasilip ang GMA sa upco­ming show nina Ashley Ortega at Xian Lim na Hearts on Ice!

Makikita sa teaser na ibinahagi ng Kapuso Network noong bago nag-Pasko ang che­mistry ng Sparkle stars maging ang kanilang husay sa pag-ice skating!

Ilang taon na ring award-winning at professional figure skater si Ashley habang si Xian ay sineryoso ang pag-aaral nito.

Kaya todo-puri si Ashley sa kanyang leading man na si Xian na sobrang dedicated daw sa kanilang training.

“Nakipagsabayan talaga si Xian. I hope people can appreciate his efforts also kasi ang galing na niya. Isa na siyang dakilang figure skater kasi nag-pass na rin siya ng first level sa figure skating,” saad ng aktres sa isang interview.

Maaring samahan ang mga karakter nina Ashley at Xian sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa March 2023 sa GMA 7!

 

vuukle comment

MIKE ARROYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with