^

Pang Movies

Howie, ikukuwento ang love story ni Rizal

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Howie, ikukuwento ang love story ni Rizal
Howie

Talagang pinaghandaan ng I-Witness ang kanilang ika-23 anibersaryo dahil apat na special stories ang ikukuwento nila.

Sinimulan na nga noong Sabado, Nov. 5, ni Howie Severino ang dokumentaryo niya tungkol sa love story ni Jose Rizal. Dalawang dekada na palang sinusundan ni Howie ang buhay ni Rizal pero ito ang kauna-unahan niyang dokumentaryo tungkol sa buhay nito sa Dapitan. Ikukuwento rin niya ang huling apat na taon ng buhay ng pambansang bayani natin.

Malaking tulong ito sa kabataan dahil siguradong marami silang matututunan dito lalo na noong ipatapon ito sa Dapitan. Masasagot ang maraming katanungan tungkol sa buhay nito. Bakit nga ba nauwi sa kamatayan ang buhay nito?

Tatalakayin naman ni Atom Araullo ang reclamation projects. Samantala, ibang klaseng paglalakbay naman ang gagawin ni Kara David sa kanyang dokyu. At isang eye-opening dokyu tungkol sa corneal transplant ang ilalahad ni Sandra Aguinaldo.

Exciting talaga ang mga istoryang hinanda nila. Siguradong hindi palalampasin ng mga manonood ang 23rd anniversary nito.

Kapuso Christmas station ID, nakaka-senti!

Damang-dama na talaga ang Pasko lalo na sa Christmas Station ID na Love Is Us This Christmas ng Kapuso!

Mula nang ilabas ang latest Christmas Station ID ng GMA Network, talagang tumatak na ito sa mga manonood.

Simple pero meaningful ito. Nakaka-senti talaga ang bagong holiday theme song. Maaalala ang childhood days ‘pag narinig mo ito.

Damang-dama na talaga ang holiday spirit. Excited na ang lahat sa Pasko!

vuukle comment

HOWIE SEVERINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with