^

Pang Movies

Ynna, 15 oras nag-labor sa unang anak

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ynna, 15 oras nag-labor sa unang anak
Ynna, Baby Ava at Bully
STAR/ File

Sinilang na ni Ynna Asistio ang kanyang first baby sa mister na si Bully Carbonell noong nakaraang Oct. 26 pa at pinangalanan nila itong Ava Zafina.

Sa pag-share ni Ynna ng photos ni Baby Ava sa social media, kinuwento rin niya na nag-labor siya for 15 hours.

Pinost din ni Ynna na naiuwi na nila si Baby Ava: “We’re finally home! Thank you Mama @officialnadiam and to my Asistio Family for welcoming me. Im glad to be home.I love seeing mama and dada happy! @bullyxcarbonellx @asistioynna. Thank you Mimasexy for my balloons @thesexyyssa.”

Kinasal sina Ynna at Bully noong nakaraang August.

Maria Clara…, nominado agad sa tag awards Chicago

Hindi pa man natatapos ang GMA teleserye na Maria Clara At Ibarra ay nakakatanggap na ito ng nominasyon para sa cast.

Nilabas ng TAG Awards Chicago ang kanilang nominasyon para sa iba’t ibang kategorya at nominated si Barbie Forteza for best actress at si Julie Anne San Jose as best supporting actress.

Sobrang natuwa naman si Juancho Triviño dahil nakatanggap siya ng nominasyon bilang best supporting actor sa pagganap niya bilang Padre Salvi.

Nag-tweet si Juancho ng: “Ah wow, sa 10 years ko sa showbiz, first time ko to.”

Dumagsa ang papuri kay Juancho dahil sa mahusay na pagganap niya bilang si Padre Salvi at noong nakaraang Halloween, may mga batang nag-costume bilang Padre Salvi kasama na ang panot na bumbunan nito.

Pinost ni Juancho sa kanyang Instagram ang photos ng mga batang naka-costume as Padre Salvi at nilagyan niya ito ng caption na: “It’s an honor maging costume ng mga anak ninyo. Ako’y kinikilig.”

vuukle comment

AVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with