^

Pang Movies

Rufa Mae, nanukso sa Thailand

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Rufa Mae, nanukso sa Thailand
Rufa Mae

Pinatunayan ni Rufa Mae Quinto na may asim pa siya kahit may isa nang anak! Tila nanunuksong ibinalandra ni Rufa ang kanyang alindog sa isang beach sa Phu ket, Thailand sa two-piece bikini na suot sa kanyang Instagram, huh!

Last Sept. 19, naging trending topic ang komedyana sa Thailand dahil sa performance niya sa All-Out Sundays ng Let It Go, Go Go!

May pahaging si Rufa na work-cation ang ginawa niya sa Thailand dahil sa caption niya sa isang picture na pinost. “Naka-travel din guysh…para sa future ng Pilipinas! Mabuhay ang showbiz! Go go go! Todo na to! Hollywood na to universe ganoon!,” caption niya.

Samantala, bago umalis ng bansa, tinapos muna ni P-Chi ang fresh episode sa Magpakailanman ngayong Sabado kung saan gaganap siya sa kuwento ng komedyana ring si Tess Bomb.

Streetboys at Showtime hosts, nasa likod ni Vhong

Sumuporta ang ilang hosts ng It’s Showtime at members ng dance group na Streetboys sa laban ng host-dance na si Vhong Navarro.

Laman ng pahayagan at social media ngayon si Vhong matapos sumuko sa NBI nitong nakaraang mga araw matapos maglabas ng isang korte sa Taguig City para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo. Naka-detain siya sa NBI naman sa kasong rape na no bail ang recommended sa kaso niyang ito.

Matapos ang ilang taon, muling nabuhay ang kasong ito kaya abangan na lang natin ang susunod na mangyayari.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with