^

Pang Movies

‘Dialysis, pampahaba ng buhay!’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nasa dialysis chair na naman ako kahapon.

Apat na oras na naman akong mag-people watching and observing dialysis patients like me.

Nakakatuwa naman na accepted na nila ang mga kalagayan nila, na parang regular thing na lang ang nagaganap, na magiging normal ang buhay nila after the treatment na sinasabing nagpro-prolong ng buhay.

Hindi nga preventive ang dialysis, pero sabi nga, mas hahaba ang buhay mo ‘pag ginawa mo ito, kaya siguro may hope sa bawat mukha ng mga nasa dialysis machine.

Naku, talaga lang siguro likas ang pagkamaldita ko, kaya hindi ko ma-feel ‘yung hope na iyon.

Para sa akin, kung gagaling ka, tiyak na gagaling ka.

At lalo akong naiinis ‘pag narinig ko na ang iba ang tagal nang ginagawa ang dialysis.

Ewan ko ba kung bakit hindi tulad nila na parang happy sa kanilang kalagayan.

Siguro nga ‘pag maysakit ka ‘yung hope ang huwag mong alisin sa utak mo.

Iyon ay kung gusto mo pang ituloy ang buhay mo.

Pero kung siguro wala ka nang motivation, mahirap nang ituloy pa ang pangarap mo na humaba pa ang buhay mo.

Hay naku, kaya nga ‘yung apat na oras ko rito sa dialysis talagang dusa. Kung anu-ano talaga ang pumapasok sa utak ko.

vuukle comment

DIALYSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with