^

Pang Movies

Mga mababait na kaibigan, nagbibigay ng lakas ng loob

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ewan ko, kung mukha akong mahirap o talagang dahil lang sa kilalang harbatera ako kaya lahat halos ang laging sinasabi sa akin, magsabi lang kung paano sila makakatulong.

Alam ko na dahil iyon sa pagmamahal nila sa akin, at alam ko naman na totoo sa loob nila na magbigay ng tulong sa akin. Hindi nga ba agawan pa ang Revilla /Tali (Sotto) foundation sa magbabayad ng hospital bill ko.

Napakasuwerte ko talagang magkaroon ng mga kaibigan na nandiyan para tulungan ako.

Meron pa nga nagpasabi na sagot niya ang dialysis ko, kaya nga talagang grateful ako. Ang hirap magkasakit, pero magkaroon ka ng kind friends lumalakas ang loob mo.

Kaya nga, talagang magpapagaling ako at magiging healthy uli, hanapin ko uli ang bato, at sigaw ng ang datung, hah hah hah.

Bayani at Billy, pleasant panoorin

Enjoy akong manood ng Lunch Out Loud, tapos Eat Bulaga everyday. Tuwang-tuwa ako kina Bayani Agbayani at Billy Crawford sa Lunch Out Loud.

Sa hospital, sila lagi ang pinapanood ko pati Eat Bulaga. Talagang napaka-pleasant ng personalidad nina Bayani at Billy kaya mag-enjoy ka talaga. Ang husay ni Billy sa pag-hosting kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi siya madalas kunin lalo sa pageants na bagay na bagay siya.

Si Bayani naman ang galing-galing sa comedy kaya dapat lang na lagi siyang isama sa sitcom.

Dalawa sina Bayani at Billy sa mga mahuhusay nating mga artista kaya naman tiyak na kahit ano pa ang balak nila tiyak na magiging tagumpay.

Congrats sa Lunch Out Loud team lalo kay Pat-P Daza, bongga talaga.

vuukle comment

BAYANI AGBAYANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with