^

Pang Movies

Higit 1K pamilya apektado ng flash floods at mudslides sa Ifugao

Victor Martin - Pang-masa
Higit 1K pamilya apektado ng flash floods at mudslides sa Ifugao
Ayon kay Aguinaya Cabanayan, hepe ng Banaue-MSWDO, ang mga apektadong pamilya ay mula sa 9 na barangay ng Banaue na matinding sinalanta ng pagbaha at landslide na ikinasugat din ng 3 katao.
Philstar.com / John Unson

MANILA, Philippines — Nasa 1,052 na pamilya ang apektado sa nangya­ring pagragasa ng landslide at mudslides sa bayan ng Banaue, Ifugao batay sa pinakahuling talaan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ayon kay Aguinaya Cabanayan, hepe ng Banaue-MSWDO, ang mga apektadong pamilya ay mula sa 9 na barangay ng Banaue na matinding sinalanta ng pagbaha at landslide na ikinasugat din ng 3 katao.

Batay sa kanilang pinakahuling talaan, uma­bot na rin sa 1,044 na mga kabahayan ang bahagyang nawasak habang tatlo naman ang tuluyang nawasak matapos daanan ng rumaragasang tubig na may kasamang putik at bato.

Labis na napinsala ang mga tahanan na nakaapekto sa mga residente ng Barangays Poblacion, Tam-an, Bocos, Poitan, Amganad, Gohang at Viewpoint.

Mabilis naman na nag-aabot ng tulong ang pamunuan ng DSWD kung saan agad silang nakapaghatid ng 500 food packs, na nagkakahalaga sa P339,375, at sinundan ng karagdagang 1,000 food packs para sa mga apektadong residente.

Ayon kay Cabanayan, nagsimula na rin na duma­ting ang mga tulong mula sa iba’t ibang ahensya, orga­nisasyon at mga pribadong sektor kabilang na ang mga indibidwal na nagpahatid ng kanilang mga tulong sa mga nasalantang residente.

FLASHFLOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with