^

Pang Movies

Matulis na actor, sinukuan ng ex-GF na laging lupaypay sa kanilang tsugiHan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi talaga nawawalan ng dyowa itong yummy actor na lagi na lang papalit-palit ang girls na nali-link sa kanya. Pagkatapos ng much-publicized breakup sa isang magandang aktres, may bago na naman daw kapalit na isang napakaganda ring female celebrity.

Napapag-usapan tuloy kung gaano katulis itong si aktor na sumuko raw ang isa sa dating girlfriend niya.

Halos nagli-live in na raw kasi sila noon, dahil sa laging nakababad si aktor sa condo unit ng ex-girlfriend. Napagod nga raw si girl sa halos araw-araw na tsugihan.

Eh, kilala pa namang ‘gifted’ itong si aktor kaya naglalaway-laway ang mga vaklush. Pero kung araw-araw namang napapasukan ka nito, nakakapagod din at lupaypay na si girl.

Minsan nga nagbi-break lang sa taping si aktor, sasaglit pa ito sa condo unit ng dating girlfriend.

Kapag malapit lang daw sa condo unit nung girl, tiyak na ang breaktime nito ay sa kandungan nung girl na hindi na makagulapay sa pagiging mainit ni aktor.

Gladys at Juday, pinagtatapat pa rin

Natatawa si Gladys Reyes na pati sa bagong endorsement nilang mag-anak ay itinatapat pa sa bestfriend niyang si Judy Ann Santos. Inilunsad si Gladys kasama ang asawa niyang si Christopher Roxas at ang apat nilang anak na sina Christophe, Aquisha, Grant at Gavin bilang first endorsers ng bagong brand ng Isopropyl at Ethyl alcohol na Protect Plus.

Si Judy Ann ay matagal na ring may ini-endorse na isang brand ng alcohol, kaya natanong na magtatapat sila ngayon ng produktong ini-endorse.

Ani Gladys: “Hindi naman maiwasan ‘yung brand na nagku-compete with each other. Pero sa amin as ambassadors, ano ‘to Mara Clara pa rin? Ilang dekada na ‘no? Move on move on din tayo ha?”

Hindi naman daw nagbabago ang kanilang friendship kahit matagal na silang hindi nagkikita.

Samantala, kinukuha na pala ng Viva Films ang panganay nila na si Christophe dahil nakitaan nila ito ng talent. Pero hindi muna nila tinanggap at pinag-aaralan pa ni Gladys ang ibang offers sa kanilang anak.

“Nakakatuwa na maraming nag-offer no? Totoo yung nag-send na nga ng contract ang Viva. Ang Net 25 also is having Kada, parang youth-oriented show na niluluto under Ma’am Wilma Galvante. She was already talking to me rin po, dahil nakita nila si Christophe. Nakita nila na mahilig din kumanta, mahilig sa music, and at the same time yung pag-arte ganyan.

“Siyempre, at the end siya pa rin ang masusunod. Kami taga-suggest lang din,” saad ni Gladys. (GORGY RULA)

vuukle comment

CELEBRITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with