^

Pang Movies

Mga sinehan, puro foreign movies pa rin ang palabas

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga sinehan, puro foreign movies pa rin ang palabas

Ang mahal daw ng bayad sa sinehan. At matagal na ring walang local movies na ipinalalabas. Kaya nga parang tulog ang showbiz dahil walang activity na nangyayari. Halos foreign movies ang palabas sa sinehan na mahal daw ang bayad kaya siguro hindi rin gaanong malaki ang pumapasok na kita. Bongga talaga ang pandemic at nagawa niyang patayin ang maraming business.

Sana naman magbalik-sigla na ang showbiz sa tulong nila Chair Liza Diño at producers na naniniwala pa rin na may audience ang local showbiz.

Miss na ng lahat mapanood ang stars natin, sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, ‘yung new stars na paano bibigyan ng break kung hindi igagawa ng pelikula o serye.

Kaya umpisahan na ang projects.

Partylist, mas maraming exposure

Malaki ang problema ng Ang Probinsyano partylist. Ang dami nang sumulpot na partylist na kapareho ng pangalan ng Probinsyano, kaya timely ‘yung ads ni Piolo Pascual, Boy Abunda at JM de Guzman na number 50 ang hanapin.

Hindi siguro akalain ng Probinsyano na magkakaroon ng ganitong problema ngayong eleksyon, dahil noong nakaraan sila lang ang may dala ng ganitong pangalan dahil kay Coco Martin na siyang nag-endorse sa kanila. Ngayon iba na rin ang ine-endorse ni Coco, ang Ako’y Pilipino ni Ronnie Ong kaya mas malilito ka talaga. Buti pa ang Lunas ni Brian Yamsuan dahil nag-iisa lang, at malakas rin ang recall, dahil alam mo agad ang ibig sabihin ng Lunas, gamot o tulong sa may kailangan. Ang PDP Cares naman ni Kathryna Pimentel, umpisa pa lang malakas na ang dating dahil nga sa mga nagawa na ng partylist nila.

Hay naku sabi ko nga sa inyo mas malakas pa ang dating ng partylist ngayon dahil mas meron silang ads at commercial na nakikita. Sana nga lahat sila manalo.

SINEHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with