^

Pang Movies

Nadia at Ina, laking pasasalamat sa mga awtoridad   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nadia at Ina, laking pasasalamat sa mga awtoridad            

Nagbigay ng update si Nadia Montenegro tungkol sa kaso ng kanyang inang nanakawan sa loob ng membership shopping store last March 2.

Abut-abot ng pasasalamat ng dating aktres dahil sa bilis ng aksyon ng mga awtoridad and base nga sa post niya, mukhang malapit nang mahuli (or nahuli na) ang suspects.

“My Mom is smiling now because of these good men! Maraming salamat po mga SIR! Saludo po ako sa bilis ng tulong nyo sa paghuli ng mga suspects,” caption ni Nadia sa larawan nila ng ina kasama ang mga pulis sa QCPD, Kamp Karingal.

Makikita sa larawan na naka-all smiles na si Nadia at ang kanyang ina.

Base na rin sa kwento ni Nadia last March 3 ay nakuhanan ng malaking halaga ang kanyang ina nang nakawin ng pitong katao ang wallet nito. Nakapag-withdraw agad ng pera sa ATM cards ang mga magnanakaw na umabot sa P130,000.

Hindi pa malinaw kung maibabalik pa ang pera ng kanyang ina pero sabi nga ni Nadia, ang mas importante sa kanya ay mahuli ang suspects at matigil ang nakawan sa loob ng shopping mart na diumano’y matagal nang nangyayari at marami na umanong nabiktima.

Diego, nagsisisi!

Ang daming natuwa sa pagkakasundo at pagkikitang muli ng mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga.

Ipinost ni Diego sa kanyang Instagram page ang reunion nila ng kanyang ama at makikita nga sa larawan na naglaro sila ng basketball.

Ayon kay Diego, seven long years din silang hindi nagkita ng ama. If we remember it right, nagkaroon sila ng misunderstanding before na hindi na nila nalinaw kung ano ang naging dahilan.

Sa caption ni Diego ay humingi siya ng tawad sa ama sa kanyang impulsiveness dala ng kanyang kabataan.

“7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again. I apologise (sic) for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, i would,” ani Diego.

Ipinahayag din ng aktor na masaya siyang makitang muli ang ama at makalaro pa ng basketball. Nagpahayag din siya ng pagsisisi sa kanyang mga nagawa noon.

vuukle comment

NADIA MONTENEGRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with