Oscar Winner Sean Penn, tuloy ang ginagawang docu kahit may giyera sa Ukraine
Sa gitna ng giyera, nasa Ukraine ang two-time Oscar winner na si Sean Penn para mag-film ng documentary tungkol sa pag-invade ng Russia.
Dumalo ang 61-year old actor sa news conference at the Presidential Office in Kyiv, at nakinig ito sa senior government officials na pinag-usapan ang attack ng Russia sa kanilang bansa.
Noong November 2021 pa raw nasa Ukraine si Penn para sa kanyang documentary. Pinuri ng Ukrainian government ang pagiging matapang ng aktor sa gitna ng kaguluhan ngayon sa kanilang bansa.
Ayon sa official statement: “Sean Penn is demonstrating bravery that many others have been lacking, in particular some Western politicians. The more people like that — true friends of Ukraine, who support the fight for freedom — the quicker we can stop this heinous invasion by Russia. The director specially came to Kyiv to record all the events that are currently happening in Ukraine and to tell the world the truth about Russia’s invasion of our country. Sean Penn is among those who support Ukraine in Ukraine today. Our country is grateful to him for such a show of courage and honesty.”
Kris, matagal nalayo sa mister
Sobrang na-miss ni Kris Bernal ang kanyang mister na si Perry Choi dahil inabot ng 36 days ang lock-in taping niya para sa GMA teleserye na Artikulo 247.
Kaya noong ma-pack up na sila, mabilis itong umuwi sa kanilang bahay para makasama na niya ang mister. “Reunited after 36 days,” caption ni Kris sa kanyang Instagram Stories.
Huling pagkikita nila ni Perry ng personal ay noong Valentine’s Day nang dumaan ang mister sa kanilang taping location para ihatid ang bouquet of roses sa kanya. Pero hindi raw nakalapit ang mister sa kanya dahil pagsunod sa safety protocol ng produksyon.
Noong matapos na ang taping, nagpasalamat sa social media si Kris sa lahat ng nakasama niya sa teleserye.
Kung matatandaan ay naging kapalit si Kris sa role ni Jackie Rice sa Artikulo 247. Bigla kasing nag-back out sa teleserye si Jackie dahil sa isang personal na dahilan.
Carmina, emosyonal tuwing lock-in
Nagiging emotional si Carmina Villarroel tuwing may nagla-lock-in taping sa kanilang pamilya. Hindi na raw kasi sila nabuo simula noong magkaroon sila ng kanya-kanyang teleserye.
Hindi na raw sila nagkikita sa bahay na apat. Hindi raw tulad noong magsimula ang pandemya noong 2020 na buo silang apat sa kanilang bahay ng ilang buwan.
Sa kabila ng pandemya, thankful si Carmina dahil patuloy ang biyaya sa kanilang pamilya. Bukod dito, nakaramdam ng excitement si Mina sa Widows’ Web dahil sa all-female leading stars ng teleserye. “With this one, mas na-excite ako because ang mga bida, mga babae. I’m thankful na isa ako do’n sa mga babae dito sa Widows’ Web,” diin pa ni Mina na co-stars sina Pauline Mendoza, Ashley Ortega at Vaness del Moral.
- Latest