^

Pang Movies

Nali-link na director / actor na si David Chua, nagsalita sa closeness nila ni Korina

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Balik-directing pala sa Rated Korina ang character actor na si David Chua.

Naging sunud-sunod ang ginagawa niya na kung saan ay bahagi siya sa Mano Po Legacy sa GMA 7, at katatapos lang niya ang pelikulang Takas na mag-streaming na sa KTX.Ph at www.iamrad.app sa Feb. 15 hanggang 19.

Ngayong medyo lumuwag na ang schedule niya, si David na ang nagdirek ng interview ni Korina Sanchez-Roxas sa ilang presidentiables na ipinalabas nung nakaraang Sabado.

Sabi ni David nang makatsikahan namin via Zoom, ang interview lang daw kay VP Leni Robredo ang hindi niya naidirek dahil sumabay ito sa taping niya sa Mano Po.

Tuluy-tuloy na ang pagdidirek niya sa ilang segments ng Rated Korina dahil binigyan siya ng break ni Madam Korina sa pagdidirek.

Aware sina David at Korina na natsitsismis silang dalawa dahil sa closeness nilang dalawa. Pero ipinaliwanag ni David na close talaga sila ni Korina dahil matalik na magkaibigan si Korina at ang kanyang namayapang ina.

Pumanaw raw ang kanyang ina nung 2019 at ipinagbilin daw siya kay Korina. Bukod pa riyan, close friends din pala ni David ang dalawang kapatid ni Korina na sina Milano at Mickey.

Pareho raw nilang nakahiligan ang pagsu-shoot at pagdidirek kaya nagtayo sila ng production company na tinawag nilang Dark Carnival, at ang serbisyo nila ang kinuha para sa Rated Korina. Kaya madalas silang magkasama ni Korina, dahil nga siya ang nagdidirek sa coverage ng programa nito.

Kaya nahihiya raw siya na namama­lisyahan ang pagsasama nila sa trabaho. “May nagtanong na rin sa akin ‘yun. Nahiya lang ako kasi pamilyado ‘yung tao. Nahiya ako kay Ate Korina bakit may ganung lumalabas. Eh ako naman po, hangad ko lang naman is mabuhay at magtrabaho. Bakit nabibigyan ng ibang kulay. So, nahiya po ako ‘pag may ganung klaseng sinasabi na bakit ang close ninyo?” pakli ni David.

Maayos daw siyang nagtrabaho  kaya bakit daw kailangan silang pagtsismisan. Nakakahiya raw kay Mar Roxas.

 “Baka nabibigyan lang ng highlight, bakit malapit ako kay Ate. Hindi nila alam na barkada ko ‘yung kapatid niya,” dagdag niyang pahayag.

Pinag-usapan na raw nila ito ni Korina at gusto na nga raw niyang umalis na lang. “Sinabi ko na sa kanya ‘yan. ‘Alam mo Ate, narinig ko na ‘tong ganitong ano. Sabi ko, baka mas maganda na huwag muna ako sumama. Sabi niya, hindi. Wala ka namang masama David ah.

“Oo nga eh. Sabi niya, ano ba ‘yan? Ba’t may lumalabas na ganyan? Sabi ko, hindi ko alam. Wala naman akong ginagawang masama.

“Sabi niya, wala ka namang ginagawang masama, bakit ka aalis? Bakit ka hindi magtatrabaho? Eh kailangan mo ng trabaho,” sabi pa ni David.

Kaya hindi na lang daw nila pinapansin ang ganung tsismis.

“Tinatawanan ko na lang. Alam naman nila, at alam ko kung ano ‘yung totoo eh,” saad pa ni David.

Gusto ni David na mag-focus na rin sa pagdidirek dahil may mga nakahanda raw siyang script.

Horror daw ang gusto niyang gawin, at nagkausap na raw sila ni Roselle Monteverde na gusto siyang bigyan ng break sa pagdidirek.

 Pero kung sakali, ayaw naman daw niyang iwan ang pag-aartista dahil ang pag-arte raw talaga ang gusto niyang gawin. 

vuukle comment

DAVID CHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with