^

Pang Movies

Ibang fans ni Gary V., nabitin!

Lanie B. Mate - Pang-masa
Ibang fans ni Gary V., nabitin!
Gary Valenciano

Salbahe ang comment na “ageing” na si Gary Valenciano pagkatapos isugod ito sa ospital sa first day ng kanyang concert last Dec. 20, Friday. Na gustuhin man ni Gary na ituloy ang concert, hindi kinaya ng kanyang katawan dahil sa sobrang dehydration.

Pero nairaos naman niya ng maayos ang second nito noong Linggo ng gabi.

Pero nabitin nga ang isa kong classmate na si Mean Laroza na kasama ang anak niya sa Araneta.

Hindi mo maiaalis na manghinayang ang fans kasi pinaghandaan nila ang concert. Pero umiral ang awa nila nang lumabas si Gary na naka-dextrose pa.

At bitin sila sa siyam na kanta ni Mr. Pure Energy.

May iba pa raw fans na galing pa ng abroad na nagbayad daw ng P15K na ticket para lang mapanood ang show nito.

Ang pinagtataka lang nila, sa rami ng guests, sana man lang daw ay may sumalo ng show noong unang gabi.

At lalo ngang nanghinayang ang fans na ang ganda ng second day concert ni Gary V kasama rin ang mga biga­ting guests. Wish nila na sana ay sa second day na lang sila natapat ng panonood.

Ganun talaga, wala naman gustong mangyari na magkasakit ito. Hindi rin puwedeng ibalik ang bayad ng ticket.

Pero kahit pa sabihin may edad na siya at senior na sa edad nitong 60 years old, wala pa ring makakapantay sa talent at pagiging Mr. Pure Energy ni Gary V.

Mga kawatan, sinamantala ang Pasko!

Sinasamantala ang kaaligagaan ng lahat ng mga masasamang loob na naglipana. Isa nga ako sa nabiktima last Sunday ng hapon. Ang ingat ko pa naman,  talagang nilalagay ko sa harapan ang bag ko. Pero may mga modus ang grupo para malingat at maisahan ka nila.

Nag-check pa ko ng cellphone at sabay shoot sa bag ko ng 5:30 p.m. Tapos bigla akong siningitan ng isang babae sa paglagay ng bag ko sa machine sa Baclaran station. Hindi pa nakuntento ‘yung girl, na siniksik ako sa pila kahit hindi naman matao that time.

Ang last part, pati sa counter bago ako bumili ng ticket ay talagang ginitgit niya ako, tinitingnan ko siya, pero ayaw magpakita ng mukha. Napansin ko rin parang may humarang sa harap ko habang tinitingnan ko ‘yung babae.

Pagsakay ko ng LRT at kapain ang cell phone, hindi ko na makita. At ‘yun nga, ang laki ng laslas sa gilid ng bag ko.

Ganun ang style nila, idi-distract ka nila para mawala ang atensyon sa bag mo.

Mabuti na lang at cell phone at SSS ID ko lang ang nakuha.

Pero ang epekto ay hindi ako agad nakatulog sa inis at na-trauma ko kapag nagbubukas ng bag kahit iba na ang gamit ko.

Sabi ng guard dapat daw nai-report ko agad para makita sa CCTV para mahabol pa ‘yung nandukot.

Pag-uwi ko ng bahay na-trace ng anak ko na ‘yung cell phone ko na ang last na gamit ay 8:30 pm at nasa Quezon City na.

Siyempre mga expert ang kawatan kaya na-open nila ang cell phone ko kahit naka-lock. Kaya pati password ng email ko napalitan nila.

So ang lesson, dobleng ingat at huwag magpakante sa paligid.

GARY VALENCIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with