^

Pang Movies

EA at Shaira, advance ang anniv at V-day celeb  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
EA at Shaira, advance ang anniv at V-day celeb           

Kahit wala pang February, nag-celebrate na ang showbiz couple na sina Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz ng kanilang 9th anniversary at Valentine’s Day.

Inagahan na raw ng dalawa ang celebration dahil matagal nilang hindi makikita ang isa’t isa dahil sa lock-in tapings.

Nataon kasi na sabay ang sche­dule ng lock-in taping ni Shaira ng Lolong at ng Widow’s Web ni EA.

Nag-post si EA sa Instagram ng photo nila ni Shaira habang nasa loob sila ng isang sasakyan sabay bati niya ng Happy Valentine’s Day at Happy 9th anniversary.

Caption pa ni EA: “Happy Valentine’s Day! Happy 9th anniversary! Advance ko na Baba. Mami-miss kita. See you in 2 months.”

Ni-repost naman ni Shaira ang IG Story ni EA at nilagyan niya ng caption na: “Gonna miss you baba. See you soon! Advance HVD and happy anniv, too!”

Ito ang mga sakripisyo na kailangan pagdaanan ng maraming showbiz couples ngayon sa new normal setting. Tiis-tiis na lang muna pareho lalo na kung aabutin ng two to three months ang lock-in taping.

Ina, ayaw pang tumira sa Italy

Wala pa raw plano si Ina Feleo na manirahan sa bansa ng kanyang mister na si Giacomo Gervasutti sa Italy.

Kahit daw maganda ang pamumuhay sa Italy, nandito naman daw kasi ang trabaho niya sa Pilipinas at nagtayo rin ng negosyo ang kanyang mister sa Palawan. “Kasi nandito ‘yung work tapos siya rin naman, nagbukas siya ng restaurant na bed and breakfast sa San Vicente, Palawan. Kaya mukhang matatagalan pa bago kami mag-decide to live in Italy. Dito muna kami sa Pilipinas,” sey ni Ina.

Kapag may mga anak na raw sila ni Giacomo, baka doon na nila paplanuhin ang pagtira sa ibang bansa. “Siguro in the future kung magka-babies kami, when they grow up, para part of my life will be in Italy. Titira kami doon para sa future ng mga bata. And at the same time, working actress pa rin ako,” pahayag ni Ina.

Two years nang kasal si Ina kay Giacomo at very supportive daw ito sa kanyang trabaho bilang isang artista.

Taylor, ambassador ng record store day

Si Taylor Swift ang hinirang na first-ever global ambassador of Record Store Day. Mag-celebrate ng 15th anniversary ang Record Store Day on April 23.

“I’m very proud to be this year’s Ambassador for Record Store Day. The places where we go to browse and explore and discover music new and old have always been sacred to me. Record stores are so important because they help to perpetuate and foster music-loving as a passion. They create settings for live events. They employ people who adore music thoroughly and purely,” sey ni Taylor na nag-release na ng dalawang vinyl records sa RSD na Folklore and Evermore.

Todo ang support ni Taylor sa mga independent record shops lalo na noong magkaroon ng pandemic.

“We need to support these small businesses more now than ever to make sure they can stay alive, stay eccentric, and stay individual. It’s been a true joy for me to watch vinyl sales grow in the past few years and we, the artists, have the fans to thank for this pleasant surprise. Happy Record Store Day, everyone! Stay safe out there.”

Bukod sa RSD, tinulungan din ni Taylor ang record shop na Grimey’s New & Preloved Music sa kanyang hometown in Nashville, Tennessee.

vuukle comment

EDGAR ALLAN GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with