^

Pang Movies

Huling yakap ni Jose Vitug, may gustong iparating

Pang-masa
Huling yakap ni Jose Vitug, may gustong iparating
Jose Vitug

MANILA, Philippines — Mensahe ng pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay ang gustong iparating ng Star Pop artist na si Jose Vitug sa debut solo single niyang Huling Yakap.

“Gusto kong maging reminder itong kanta para sa lahat na pahalagahan bawat moment na kasama natin ang mga mahal natin sa buhay dahil hindi natin alam kailan ang ‘huling yakap’ natin sa kanila,” aniya.

Si Jose ay isang 24-anyos na singer at musician na kabilang sa male trio ng Star pop na Chill Guys kasama sina Brian Gazmen at Bryce Manzano. Bilang grupo, ni-release nila ang single na Ako Para Sa’yo nitong 2021 at nag-cover din ng 2nd Best Song sa HIMIG 11th Edition na Kahit Na Masungit.

Ngayon, sasabak naman si Jose bilang isang solo artist sa acoustic track na  Huling Yakap, na salamin ng nararamdaman ng songwriter at composer nitong si Melchizedek Lozarita II nang mamatay ang ama niya noong 2019.

“Hindi ko siya nayakap sa huling beses bago siya nawala, pero ngayon gagawin ko ang lahat para lang sa kahit isang segundo na mayakap siya ulit,” paliwanag niya.

Ang orihinal na bersyon ng Huling Yakap ay may English lyrics pero itrinanslate ito sa Filipino para mas personal ang dating. Si Star Pop label head Rox Santos ang nagprodyus ng kanta na in-arrange naman ni Tommy Katigbak.

 

vuukle comment

JOSE VITUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with